Hindi si Gretchen Barretto ang “devil” sa “The Diplomat”, ha! Nagsimula na ang hearing sa kaso ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto with her parents fully supporting her.
Because of this, nadawit na naman ang pangalan ng kaniyang ate Gretchen who reportedly posted a Twitter account suggesting that the custody of Claudine and Raymart’s children should go to the father.
Say ni Inday Barretto, ang ina ng mag-sister, Gretchen shouldn’t talk daw dahil may gag order sila pero may pasaring pa rin ito. Dagdag ng ina, Gretchen should not be a good judge on this because she’s malicious and she’s the “devil” daw.
Speaking of such horrific stories, ipalalabas din nationwide ang isa pang Cinemalaya entry sa New Breed Category, Gretchen’s comeback movie na isang horror film, ang “The Diplomat”. Directed by Chris Ad Castillo, son of the late Celso Ad Castillo, it also stars Mon Confidao, Art Acuna, Joel Torre, Nico Antonio, Channel Delatorre and Alvin Anson among others.
Gretchen plays the foul-mouthed returning investigative journalist out to seek the real story of one of the most haunted places in Baguio, ang Diplomat Hotel.
Sa kalagitnaan ng kanyang trabaho sa loob ng abandonadong hotel, sumambulat sa kanya ang nakakatakot na hiwagang pumapaloob sa gusali na bumiktima sa kanilang lahat.
Sa totoo lang, kinabiliban ng co-stars at staff ng movie ang pagiging trouper ni Gretchen habang sinu-shoot ang movie sa loob ng lumang hotel.
Sa kabila ng mga nakakatakot at nakakapanindig-balahibong mga kuwento tungkol sa mga multo sa loob ng hotel, dedma lang si Gretchen. Ipalalabas ang “The Diplomat” sa Sept. 4, manood kaya ang magulang ni Gretchen in support of their daughter JN? Chos!