Nagbatuhan ng maaanghang na tweets ang dating magkasintahan na sina Kristoffer Martin at AC Banzon.
“Di lahat maaamo mo. Di lahat kakampi sayo. Kasi alam nila yung totoo,” ang panimulang tweet ng Kapuso actor.
“Sana binanggit mo kung pano ako naubos. Hindi yung ‘gatas lang’ yung ginawa ko. Sana lang,” ani Kristoffer. “You know what I did. You know why I left. Enough.”
Dagdag pa niya, “Isasahin mo sacrifices ko before versus sa mga merch mo. Mygahd”
Ang sagot dito ni AC, “Isa isahin ko kaya kalokohan mo hahahahaha”
“Go,” wika naman ni Kristoffer. “Dahil gusto mo ko sirain sa trabahong bumuhay satin before. Sa trabahong nagdala satin kung saan saan. GO.”
Na sinagot naman ni AC ng: “Ikaw ang sumira sa ’yo. Your actions. Not me”
https://twitter.com/flinsTUNs/status/1362801175511269381
Nitong Enero ay inamin ni Kristoffer na mayroon na silang apat na taong anak, si Precious Christine o Prè.
Pero sinabi rin niya na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz na girlfriend na si AC.
“Things didn’t work out (relasyon nila). We talked about this and nag-usap talaga. I won’t go into details kasi hindi naman na dapat sabihin,” ayon pa sa 26-taong-gulang na singer-actor.
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal kay AC noong Pebrero 16, sinabi ng dalaga na Disyembre pa sila naghiwalay matapos na umuwi si Kristoffer mula sa isang buwang lock-in taping at sabihing “Pagod na ‘ko.”
Kalaunan ay inamin umano ni Kristoffer na may iba na siyang pag-ibig.