Marcos justices, Arroyo justices | Bandera

Marcos justices, Arroyo justices

- March 23, 2010 - 02:41 PM

Dating Pangulong Ferdinand Marcos

Lito Bautista, Executive Editor

SIGE oposisyon.  Sige Komunista.  Gatungan pa ninyo ang apoy ng galit.  Apoy pa, para mag-alsa ang madadarang at maniniwala sa inyo.
Pagkatapos ng pagpapalutang sa military junta, na madaling ibinasura ng mismong militar, kinakalkal naman ngayon ang Supreme Court justices na hinirang ni Pangulong Arroyo.  Hinirang nga ni Arroyo si Antonio Carpio, na dati nilang kaalyado.  Pero, nasaan na siya ngayon?

President Gloria Arroyo

Ayaw paganahin ng mga humihila sa gobyerno pababa ang kanilang memorya noong panahon ni Marcos, na lahat ng mahistrado ay tapat kay Marcos at maliban sa isa ay nanatiling iginalang ang panguluhan bagaman salungat ang kanyang mga pananaw sa kalakaran.
Kung hinirang man ni Marcos ang kanyang nais, ito’y ayon pa rin sa batas.  Kung hinirang ni Arroyo ang kanyang nais sa SC, base sa susog ng Judicial and Bar Council, naaayon pa rin ito sa batas.
Ano’ng inirereklamo ng oposisyon at Komunista?

Bandera, 032310

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending