Lovelife hugot ni Gerald: Kung anuman ang insecurities n’yo sa buhay, ‘wag ipasa sa partner n’yo

MUKHANG hindi pa rin ready ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson na ibandera sa buong mundo ang tungkol sa tunay na estado ng kanyang love life.

Hindi kasi diretsong sinagot ng binata ang tanong kung single ba siya ngayon o taken na, sa halip, nagpaliwanag siya tungkol sa pagpasok sa isang seryosong relasyon.
Nakipagchikahan si Gerald sa kanyang kaibigan at kapwa “Pinoy Big Brother” graduate na si Joe Vargas sa pamamagitan ng vlog nito sa YouTube.

Sumabak ang aktor sa Q&A session na kinunan sa isang basketball court. Ang challenge — pwedeng hindi sagutin ni Gerald ang kontrobersyal na tanong kung maisu-shoot niya ang bola.

Ilan sa mga nabanggit ng aktor ay ang paghahanda niya sa “next chapter” ng kanyang buhay — yan ay ang pag-aasawa at pagkakaroon ng mga anak in the future.

Sa tanong kung paano niya ide-define ang salitang “love”, sinabi ng binata na marami itong kahulugan ngunit ang mahalaga ay kung gaano ka ba kahanda para magmahal at makipagrelasyon.

“Kailangan buo ka rin bago ka pumasok sa isang relasyon, para hindi ka umaasa sa isang tao lang. Kailangan buo ka, buo ‘yung partner mo, para kapag nagsama kayong dalawa, may teamwork and understanding.

“Kung anuman ang insecurities niyo sa buhay, kumbaga huwag niyo ipasa sa partner niyo ‘yan. You have to work through it together,” paliwanag ng rumored boyfriend ni Julia Barretto.

At sa tanong nga kung taken o may bagong girlfriend na siya ngayon, nai-shoot ni Gerald ang bola kaya nakaiwas siya sa tanong pero aniya, super happy ang personal na buhay niya ngayon, “Sobrang saya. Marami akong dahilan para maging masaya.”

Ipinagdiinan niya na meron din siyang balak na lumagay sa tahimik pagdating ng tamang panahon, yun ang sinasabi niyang next level ng buhay niya.

“Siyempre naman! Iyon ‘yung next chapter ng buhay natin. Inaayos natin lahat ‘yan,” sabi ng binata kasabay ng pagsasabing looking forward na rin siyang magka-baby soon.

Natanong din si Ge kung may balak din siyang mag-retire ng maaga sa showbiz at mag-iba ng propesyon para mas pagtuunan ng pansin ang pagiging family man at makaiwas na rin sa mga intriga at kontrobersya.

“I don’t think na puwede ko talaga iwan ever, pero ‘yung mag-relax, mag-chill from work, sigurado ‘yan. Mangyayari na, actually.

“At siyempre kapag magtrabaho tayo, binibigay natin ang 120 percent, so kailangan din ng kaunting rest para makipag-recharge,” lahad pa ng Kapamilya actor.

Read more...