KUNG may isang aktres na matatawag na talagang maswerte nitong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, yan ay walang iba kundi si Jasmine Curtis.
Hindi kasi nawalan ng proyekto ang dalaga kahit may health crisis, kaya naman todo ang kanyang pasasalamat sa lahat ng patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.
“Ako, thankful ako kasi nga parang hindi ako nawalan ng trabaho last year,” sey ni Jasmine na huling napanood sa local adaptation ng hit Korean series na “Descendants of the Sun” kasama sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Rocco Nacino.
Bumida rin si Jasmine, kasama ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa isang episode ng Kapuso mini series na “I Can See You” na napapanood na rin ngayon sa Netflix.
Tatlong pelikula naman ang nagawa ng award-winning actress bago mag-2021, ang “Alter Me”, “Until It’s Safe” at “Midnight in a Perfect World.”
Feeling ni Jasmine, may positibong epekto sa career niya ang hindi pagkakaroon ng sunud-sunod na lead role, “I guess ito na rin yung advantage ko kasi I’m someone na, hindi naman sa mapili, but in terms of the roles that I portray or I take on, hindi ako naghihintay na kailangang bida ako lagi or matagal yung exposure o isang buong teleserye siya.
“So, minsan naiipon yung projects ko, hindi pa naipapakita. Then, there comes a time like 2020, na kung hindi ako nabigyan ng ibang project, at least, may nai-release pa rin.
“Thankfully, yung Alter Me was shown right before the lockdown. We finished filming in February.
“Yung Midnight in a Perfect World, we filmed it a few years ago and it just so happens na last year siya na-launch and we re-launched nitong January,” pahayag ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis sa panayam ng GMA.
Dagdag pa niyang chika, “I’m very thankful na yung mga projects na na-encounter ko, mahahaba yung lifespan niya and lagi siyang nagkakaroon ng second life or nagkakaroon siya ng platform wherein mas mauulit pa siya ng mga tao.
“Hindi ako nawalan, hindi ako nabakante. I guess, God is good to me and giving me these blessings,” aniya pa.
Tungkol naman sa mga plano niya ngayong 2021 para sa kanyang showbiz career, “I try not to overthink my new year when it comes to work because I feel like that gives a lot of unrealistic expectations for myself.
“So, what I do is to see kung ano ‘yung aabot pa sa following year. Let’s say, for example, like I have a contract from last year, hanggang 2021 naman siya, so, I see it still a 2021 blessing rather than a 2020 blessing.
“Na-lock ko siya in 2020 and still something new for my 2021. Parang what I do really is to just try to manifest what I want to happen.
“So, I want films, I still want to be part of a lot of films, I want to have a teleserye again. I just manifest, I pray for it.
“But kung hindi siya mangyari, you know, I’m grateful that I have endorsements, I have other projects that I do from time to time with other smaller producers,” sey pa ng dalaga.
Sa huli, ipinagdiinan ni Jasmine na, “I think that’s what 2021 is for me. This year, it’s not about planning too much, it’s about manifesting what I want to happen.
“Grabe! I’m just over the moon na tuluy-tuloy ang projects noong 2020 even when the pandemic,” ang chika pa ng Kapuso actress.