HALOS kararating lang nina Sam Milby at Catriona Gray galing Amerika kung saan sila nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon ay heto’t magkasama na naman silang nag-out of town nitong nagdaang Araw ng mga Puso.
Sabi nga ng mga tagasubaybay ng dalawa ay sobrang in love talaga nila sa isa’t isa kaya hindi na sila magtataka kung malapit-lapit na rin nilang i-level up ang kanilang relasyon.
Nitong Valentine’s Day, nagdiwang sina Sam at Cat sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas na pag-aari nina John Prats kasama ang pamilya nito.
Base ito sa video na ipinost ng 2018 Miss Universe sa kanyang Instagram kung saan makikita siyang nakapikit habang nakahiga sa pool side at pagmulat ng mga mata niya ay nakita niya si Sam na nilalaro ang alaga niyang aso.
Ang video caption ni Cat, “Hope you all had a day full of love. I know I did! Happy Valentines day friends!”
Botong-boto ang halos lahat kina Sam at Catriona at bagay daw talaga sila at bilang patunay diyan more than 500k na ang views ng panayam ng dalaga sa Sakto Teleradyo kung saan inamin niyang sobra happy siya ngayon sa piling ng kanyang boyfriend.
“He’s a very good listener, I really appreciate that. And he really goes out of his way to make time for me because we are both busy naman. So I really appreciate the small things talaga that he really shows that he’s thinking of me and he makes time for me,” paglalarawan niya kay Sam.
Nabanggit ng dalaga na isa pa sa mga nagustuhan niya kay Samuel Lloyd ay gumawa ito ng paraan para makilala ang magulang niyang nasa Australia.
“When I usually call them when we were sa States, we will all talk together. So it’s really nice to see them have that friendship already with my parents because that means a lot to me and I know that Sam knows that.
“So it’s just nice to see him make the effort. Hopefully naman I am able to go on a trip and hopefully bring Sam to see my family, next time sana,” say ng dalaga.
Samantala, may pinagtanungan kami kung may plano na bang magpakasal ang dalawa. “Wala pa, career muna inuuna nila saka bata pa si Cat,” say ng taong malapit sa dalawa.
Oo nga, nagsisimula palang ang dalaga sa karera niya. At habang hinihintay siya ni Sam ay work muna ang aktor lalo na ngayong patapos na ang teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” kasama niya sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Grae Fernandez, Kira Balinger, Paulo Angeles, Nico Antonio, Rita Avila, Simon Ibarra, Maricel Soriano at marami pang iba handog ng Dreamscape Entertainment.