Thankful sila sa GMA Network para sa pagtitiwala sa kanilang talent ngunit hindi rin nila maiwasang makaramdam ng pressure.
Pahayag ni Dave, “For me sobrang grateful po ako kasi ‘yun nga I was given the chance na mabigyan ng ganitong role at nilagay sa ganitong spot.
“May pressure po, hindi naman po maiiwasan yan, at the same time may kaba rin, pero para sa akin it’s up to me kung paano ko siya dadalhin or gagampanan,” sabi ng binata.
Sey naman ni Manolo, tinatanggap niya ang challenge, “Kahit ano’ng job naman siguro there’s pressure, so ako naman I used it. I used that pressure as energy and same with Dave, I’m very grateful, I’m very honored to have this path.”
Ngayong Peb. 22, abangan ang bagong istoryang aantig sa hapon ng Kapuso viewers. Malapit nang mapanood ang “Babawiin Ko Ang Lahat” sa GMA Afternoon Prime.
* * *
Dream come true para sa Kapuso actress na si Klea Pineda ang mabigyan ng pagkakataong magpalipad ng isang eroplano.
Ibinahagi ng “Magkaagaw” star sa kanyang Instagram account ang ilang snippets ng kanyang training experience habang siya ay nasa cockpit ng isang maliit na eroplano kung saan tinuturuan siya ng isang professional.
“Kahit ano’ng mangyari, huwag na huwag kang titigil mangarap,” caption ng dalaga kanyang IG post.
Hindi ito ang unang beses na ipinahayag ni Klea ang kanyang kagustuhang maging isang piloto. Sa kanyang “Get to know Me Better” vlog, ipinaliwanag niya kung bakit isa ito sa kanyang mga pangarap.
“Isa ‘yun sa dream ko na maka-graduate ng aeronautics. ‘Yung pagpipiloto, gusto kong ma-prove sa mga tao na hindi lang panlalaki ‘yun.
“Well, marami na rin piloto na babae ngayon and gusto kong maging isa dun. Parang nakaka-proud na nagagawa mo ‘yung akala ng tao before na panlalaki lang talaga,” kuwento pa ng dalaga.
Samantala, araw-araw pa ring napapanood si Klea sa pinag-uusapang Afternoon Prime series na “Magkaagaw” sa GMA kasama sina Jeric Gonzales, Sheryl Cruz at Sunshine Dizon.