EXCLUSIVELY dating na na sina Xian Lim at Kim Chiu. Ibig sabihin, hindi na nanliligaw ng ibang babae ang Kapamilya actor at hindi na rin “lumalandi” si Kim sa ibang lalaki. Ha-hahaha! Lumalandi talaga!
Ayon kay Kim, si Xian talaga ang lalaking pinakamalapit sa buhay niya, at ito rin daw ang isa sa mga nagpapaligaya sa kanya, “Kasi po lagi po siyang nandiyan para sa akin.”
So, si Xian ang rason kung bakit hindi na makaporma ang ibang guys sa kanya? “Hindi naman po. Hindi ko alam…wala naman pong bakuran effect kaya walang nanliligaw. naku, pinagpapawisan na ako! Ha-hahaha!”
So, korek ang sinabi ni Kris Aquino sa Kris TV sa isag episode nila na patungo na sa mas mataas na level ng relasyon ang special friendship nila? “Siguro… yun din ang sinabi namin sa Kris TV. Yeah, parang ganu’n na rin siguro.
Grabe, pinagpapawisan na yung kilikili ko guys, o!” biro ni Kim sa presscon ng bagong season ng Wansapanataym na magsisimula na sa Sept. 7 (Saturday) kung saan gaganap siyang isang kasambahay.
Pero hirit ni Kim, hindi sila nagmamadali ni Xian na maging seryoso sa relasyon, “Darating tayo diyan. Hindi naman kailangang sapilitan.
Kusa ninyo rin pong malalaman kung sino yung nagpapatibok ng puso ko,” kasabay ng pangakong hindi na niya ililihim sa publiko ang kanyang lovelife.
Na-miss na ba niya na magka-boyfriend? “Oo naman. But it takes time to know one para humaba yung relationship. Pag mabilisan, ganun din, mabilisan din.
Parang nagpalit ka lang ng damit, ‘Ay, ayoko na dito.’ Pero lagi ko ngang sinasabi, ready na akong magmahal uli, sa edad ko naman po ito, di ba?”
In fairness, inuulan nga ng swerte ngayon si Kim Chiu, sunud-sunod ang kanyang mga proyekto, at habang naghihintay nga sa susunod niyang teleserye, ito ngang Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay ang pinagkakaabalahan niya, kung saan ipapapatuloy niya ang pagko-comedy.
At excited daw siya sa project na ito.“Kasi before, more on drama, heavy drama, iyakan. Di ba, yun ang mga movies ko? And then ngayon, medyo nag-light na siya, nagpapatawa.
“Gusto ko rin naman, at least iba naman ang acting experience yung tinatahak ko ngayon,” aniya pa. Ano pa ba ang gusto niyang gampanang role, “Siguro fantasy or action na konti lang.
Gusto ko yung role na gano’n na makakapagpatawa ka ng mga tao at saka makakapagpa-inspire ka ng tao. Siguro isa rin po sa factor na masaya… masaya po ako ngayon sa mga nangyayari sa buhay ko.
And ini-embrace ko lang po siya. And natutuwa ako na nakikita siya ng mga tao.” At dahil tungkol sa fairy-fairy ang bagong season ng Wansapanataym na tatagal din ng isang buwan tuwing Sabado pagkatapos ng Deal Or No Deal, natanong si Kim kung ano ang magiging wish niya kung meron siyang fairy godmother?
“Huwag mo nang i-wish. Kasi minsan yung wish mo, mali, e. Hayaan mo na yung destiny ang magsabi about love. Pero ako mas naniniwala sa guardian angel.
Isang angel ang nagga-guide sa lahat ng mga decisions ko sa buhay. Siguro sa akin ngayon, yung mommy ko (na sumakabilang buhay na nga kamakailan).”
( Photo credit to Google )