HINDI rin nakaligtas ang Kapuso actress-TV host na si Chynna Ortaleza mula sa mga laitera at bastos na netizens na walang ginawa sa buhay kundi mangnega sa social media.
Nakakatanggap din ng mga hate and mean comments ang asawa ni Kean Cipriano mula sa mga bashers na kadalasan ay patama sa kanyang katawan.
Inamin ni Chynna na kahit paano’y naaapektuhan pa rin siya ng mga pang-ookray ng ilang netizens lalo na kapag nagkokomento na ang mga ito tungkol sa kanyang pagiging payat na may timbang na “89 to 90 pounds”.
Idinaan ng aktres sa Instagram ang kanyang panawagan sa lahat na maging maingat sa pagbibigay ng comments sa socmed dahil kahit daw wala ka namang masamang intensyon ay iba ang dating at maging pagtanggap ng nagbabasa at pinatutungkulan ng mensahe.
“Do you know that comments that are put out there without any ill intention in mind can be scarring?” simulang pahayag ni Chynna sa kanyang IG post.
Diin pa niya, “You may wonder how can that be? They may bring up past wounds. Most especially if they are repeated over and over as if to make you believe that there is something so terribly wrong with oneself.”
Nagsisimula pa lang daw ang career niya sa showbiz ay marami na siyang natatanggap na comments hinggil sa kanyang katawan, kabilang na riyan ang, “Ay ang payat mo,” “Anorexic ka ba?,” “Kumain ka naman para ka nang liliparin ng hangin,” at marami pang ibang nakaka-offend na salitan.
Pagpapatuloy ni Chynna, “It is a very vicious cycle. And yes, even people who, like me, were born with a metabolism so fast we burn calories like a boss need to share.
“The concern is much appreciated, but then again, the way it is said is something that needs to be talked about,” punto pa ng “Idol Sa Kusina” host.
Kasunod nito, nakiusap din si Chynna sa kanyang fans at socmed followers na maging sensitibo sa feelings ng iba at isipin muna ng maraming beses bago mag-post ng mga comments.
“It’s been a struggle for me to feel that I meet the seal of approval, as they say. But really, who does?
“You have the ability to transform lives through the use of tone and words. Speak kindly to yourself and one another. Yes, even if it’s a hard subject to chew on, it can still be done with respect and empowerment,” lahad pa ng Kapuso star.
“I am 38 years old, straddling the 89 to 90 lbs mark because I have decided to listen to my body and let food be thy medicine.
“My dream is to continue to be a force of a woman to my children, husband, and all humans that I will be blessed to cross paths with. So I want to heal myself to be able to heal other people as well.
“Thank you to those who are kind enough to ask me how I am. All is well,” ang diretsahan pang pahayag ni Chynna.