Covid-19, traffic administration, long-term flood solutions, basura, road clearing operations, mga bagong kalye, transportasyon, illegal vendors, informal settlers at pati presyo ng manok at baboy ay nagkakaisa nang prayoridad ngayon ng 17 alkalde ng Metro Manila katulong si MMDA Chairman Benhur Abalos.
Nakakatuwang isipin na parang iisa na ang galaw ngayon ng mga LGUs, MMDA at iba pang ahensya ng national government upang maserbisyuhan ang higit 12 milyong mamamayan ng Metro Manila.
Pebrero pa lamang, ikinakasa na ang lahat ng 64 flood pumping stations ng MMDA. Binisita rin ni Abalos ang mga binabahang lugar ng Marikina, Pasay, at iba pang LGUs upang hanapan ng solusyon ang bawat lugar. Dike at dredging ang isasagawa sa Marikina at sosolusyonan din ang umaapaw at mababaw na ngayong Laguna de Bay. At sa mga lugar na ito, isinasagawa rin ang relokasyon ng mga informal settlers sa mga flood prone areas.
Bagamat lumuwag na ang daloy ng trapiko sa EDSA dahil sa Skyway stage 3, kapansin-pansin din ang pagdami ng mga MMDA enforcers pati PNP-HPG sa kahabaan ng EDSA at C5, hindi lamang pagmamanman sa traffic, kasama pati health protocol violations ng mga motorista at public utilities.
Puspusan din ang paglalagay ng mga “overhead informative at traffic signs” sa mga footbridges at sa mga tulay laban sa mga “overloaded” na sasakyan.
Pinalakas din ang EDSA busway system at nagdonasyon pa nga ng P100-M ang QC govt para sa “elevated bus ramps” at matugunan ang problemang dulot ng isinarang U-Turn slots. Pati mga motorsiklo at bisikleta ay ilalagay sa dalawang lane sa tabi o yung lumang mga bus lanes.
Maraming bubuksang bagong kalye tulad ng North South Connector road na dadaan sa ibabaw ng riles ng tren at tatagos ng Espana papuntang Makati. Nariyan din ang tulay sa Sta. Monica-Lawton bridge na magdudugtong sa BGC at Ortigas Center at marami pang iba na magpapaluwag ng trapiko sa EDSA at C5.
Bukod diyan, wala rin tayong nababalitaang reklamo sa basura sa kahit isang LGU dito sa NCR. Ito’y dahil marahil sa mas intindidong pag-asikaso sa “solid waste management” ng MMDA, at magandang “working relationship” sa mga alkalde.
Ngayong Lunes, nagtapos ang “road clearing” deadline ng DILG at dito sa Metro Manila, hindi lamang paglilipat ng mga “illegal vendors” ang ginagawa kundi pagtatag ng mga “bagong vending areas” tulad ng people’s market na itatayo sa harap ng simbahan ng Baclaran, ngunit tatawid ng Roxas blvd. Ganito rin ang nangyayari sa Maynila at iba pang lugar.
Sa isyu ng COVID -19, iisang boses ang naririnig natin kahit hiwa-hiwalay ang mga “procurement contracts” ng mga LGU’s sa mga vaccine companies tupad ng Astrazeneca, Pfizer, Moderna at iba pa. Metro Mayor’s Council at si MMDA Chair Benhur Abalos. Nakita rin ito sa pagkontra nila sa pagbubukas muli ng mga sinehan.
At pati implementasyon ng presyo ng manok at baboy, iisa ang galaw ng lahat ng LGU sa Metro Manila kung saan nabilad ang sobrang laking “kita” ng mga middlemen sa mga “public markets. Lumilitaw ngayon na na mas mura at tumutupad sa price control na P157/kg sa manok at P300/kg sa baboy ang mga mini-marts, groceries, supermarkets at mga malls. Ang SM at San Miguel Corporation ay walang “middlemen” ang presyo ng baboy at manok kaya’t mababa ito. Bukod diyan, magsusuplay din ang SM at San Miguel sa bawat Kadiwa sa bawat lungsod dito sa NCR.
Marami pang dapat asikasuhin ang gobyerno para sa 12-milyong mamamayan ng labinganim na lungson at isang bayan dito sa Metro Manila. Ganoon pa man, hindi pwedeng balewalain ang sipag at pagsisikap nilang hanapan ang solusyon ang mga problema. Oo, malapit na ang eleksyon (Oktubre na ang filing ng kandidatura), pero maganda ang pinapakita ngayon ng mga LGU at MMDA. Sabi nga sa Mandaluyong, Gawa, hindi salita!