‘Balentayms gip’ ni Kiko kay Sharon…gulay; cauliflower, puso ng saging, kamias may ibig sabihin

BENTANG-BENTA sa mga Sharonians at sa social media followers ni Megastar Sharon Cuneta ang paandar na Valentine’s Day gift ni Sen. Kiko Pangilinan.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na likes ang regalong bouquet of vegetables ng senador sa kanyang mega wifey na si Shawie. Aliw na aliw kasi sila sa naisip na pa-surprise ng public official para kay Mega.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Sharon ang ilang litrato ng bonggang vegetable bouquet na bigay ni Sen. Kiko pati na ang card na nakalagay dito.

Sabi ng singer-actress sa kanyang caption, “Eto na naman ang neighbor kong asawa ko. Balentayms gip niya gulay!

“At basahin nyo please ang sinulat. Hahahaha! Happy Valentine’s Day, everyone! I love you guys. God bless us all!” mensahe pa ni Sharon.

Ayon naman sa senador, naisip niya na regaluhan si misis ng mga gulay sa Araw ng mga Puso dahil bukod sa kakaiba ay masustansiya pa ang mga ito.

Sey ni Sen. Kiko nilagyan niya ng cauliflower ang bouquet dahil, “mabubusog ka sa forever na pag-ibig”. May calamansi at kamias din “dahil may asim sarap pa ang ating pagmamahalan.”

At siyempre, meron ding puso ng saging, “dahil ang puso ko belongs to you only.”

Pero sa isa pang Instagram post ni Sharon, sinabi niya na binigyan din siya ni mister ng tunay na flower bouquet.

“Pero siempre naman may magagandang bulaklak din na bigay ang asawa ko sa akin. Nakakaloka lang ang sinulat na naman sa card!!! Hahaha!” sey ni Mega sa caption with red hearts emoji.

Ibinahagi rin niya ang litrato ng card na inilagay ng senador sa nasabing bulaklak, “Happy Valentine’s day, Sweetheart! And when I kiss your lips, I know our love’s for keeps! I love you always, always, always. Forever, forever, forever.”

Aliw na aliw naman ang netizens, lalo na ang mga Sharonians sa naisip na paandar ng senador. Anila, may pagkakomedyante rin pala ito tulad ni Mega.

Read more...