Kim shookt sa pasabog na V-day surprise ni Xian: Di ready outfits ko! Pero I melt!

PASABOG na naman ang paandar ni Xian Lim para sorpresahin ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu ngayong Valentine’s Day.

Hashtag #shookt ang Kapamilya actress-TV host sa bonggang pasabog ng aktor para sa pagse-celebrate nila ng Araw ng mga Puso ngayong taon.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Kim kung paano siya ginising ng pa-surprise ni Xian para sa isang Valentine getaway sa isang sosyal na beach resort sa Coron, Palawan.

Hindi raw niya inakala na nakapaghanda pa ng ganu’ng kabonggang regalo ang kanyang boyfriend sa kabila ng napakaraming proseso.

“Happy Valentines day indeed!!! I woke up to a beautiful surprise today!!!! This guy has a lot of surprises in his pocket,” ang bahagi ng caption ni Kim sa mga litrato nila ni Xian.

“Sabi niya out of town tayo, then suddenly he sent a hangar address kala ko saang out of town, FLY out of town pala. Di ready outfits ko!!! Pero I melt,” dagdag pang pahayag ng dalaga.

Sa huli, abot-langit ang pasasalamat niya sa kanyang partner dahil sa effort nito para pasayahin siya sa espesyal na araw na ito, “Thank you my always!!!”

Nag-share rin si Xian ng ilang photos nila ni Kim sa IG at sinabing the best palagi ang celebration ng Valentine’s day kasama si Kim.

Taong 2012 pa nagsimulang mag-date sina Xian at Kim ngunit noong 2018 lamang nila inamin sa madlang pipol ang kanilang relasyon.

Magkasama rin silang nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon sa Boracay kasama ang kanilang mga pamilya.

Kamakailan, sinabi ni Xian na wala pa sa priorities nila ni Kim ang magpakasal at hindi naman daw sila nagpapaapekto sa pressure ng publiko at sa press na palaging nagtatanong kung kailan sila lalagay sa tahimik.

“Maraming nagtatanong sa amin regarding that pero matagal pa ako, eh. Matagal pa kami, I think there are so many things that we want to accomplish and marami pa kaming gustong gawin and I think wala pa sa time.

“Hindi pa namin or even talking about it, hindi namin napag-uusapan, matagal pa po,” pahayag ng aktor.

Read more...