Walang Valentine’s date ang soon-to-be married couple na sina Neil Arce at Angel Locsin dahil hindi naman talaga nila ito isine-selebra kada taon. Ito ang sagot nila kay Tyang Amy Perez sa programang Sakto sa DZMM nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 12.
Natanong kasi ni Tyang Amy kung paano ise-celebrate nina Angel at Neil ang Valentine’s Day sa panahon ng pandemya.
Si Neil ang unang sumagot, “Actually every year halos hindi kami nagse-celebrate ng Valentine’s.”
Say naman ni Angel, “”Medyo hindi kami traditional type of couple kasi talaga.”
Dagdag ng fiance ng dalaga, “Pero we make sure na magde-date kami maybe before or after. Alam mo ‘yon, para hindi sabay sa rush. Actually, may revelation ako rito, kahit si Angel nakikita niyo sa labas, palagi sa mga ospital ganoon, takot siya lumabas. Takot pa siya ayaw niyang pumunta (labas).”
“Hindi pa ako puma-party-party,” sambit ng Iba ‘Yan host.
“Takot pa siya,” sabi ulit ni Neil.
“Kapag kailangan lang ako lumabas, lumalabas ako. Pero as much as possible eh hindi talaga. Kahit anong parties wala pa akong na-attend-an simula noong pandemic. Medyo praning pa ako,” paliwanag ni Angel.
Say ni Neil, “So, I think sa Valentine’s, medyo pandemic Valentine’s.”
Puri ni Tyang Amy kay Angel na good thing may conscious effort siya na kailangan paalalahanan ang isa’t isa.
Dahil halos isang taon na ang pandemya ay nasasabik na ang mga taong lumabas kaya kapag nagkita-kita ay nakakalimot at nagbe-beso-beso na posibleng isa sa dahilan kung bakit kumakalat ang mga nahahawa ng Covid-19.
“Oo, mas naging conscious pa talaga ako to distance myself. Kung hindi kailangan, hindi ko gagawin talaga,” katwiran ni Angel.
Binanggit ni Tyang Amy na magkasama ang magsing-irog sa kanilang YouTube channel na masayang ibinalita ni Angel na marami raw palang nanonood at pumasok na ads.
At hanggang ngayon pala ay wala pang pangalan ang farm ni Angel kaya humihingi sila ng suggestions.
Ang suggestions nit yang Amy, “Angel/Neil Farm-bihira.” At natuwa naman ang aktres, “Brainy ka ro’n ha?” say ni ‘Gel.”
Kuwento pa ng dalaga, “Oo, maaraming nagpapadala may Angel’s Sanctuary. Tsinek namin, sementeryo pala, ha, haha.”