Iyan ang isa sa mga rebelasyong ibinahagi ng fiancee ni Luis Manzano sa bago niyang vlog sa YouTube habang ipinakikita sa madlang pipol ang bago niyang bag na kanyang binili sa French fashion house na Chanel.
Kuwento ni Jessy dalawang beses nangyari ang nakakalokang pang-iisnab sa kanya ng mga sales representative habang namimili ng branded bag sa ibang bansa.
Ang unang experience niya ay nang bumisita siya sa isang Paris branch ng Chanel para bilhin ang matagal na niyang pangarap na bag.
“This happened mga three years ago or four years ago. I went in sa isang Chanel store, and I asked about the classic Chanel Flap.
“First time kong magkakaroon ng Chanel Flap, so sobrang excited ako.Nawawalan ako ng loob every time na nagpa-price increase sila tapos hindi ko na maabot ‘yung bag na gusto ko kasi pamahal na siya nang pamahal.
“So nu’ng time na meron na akong chance makabili kasi nakapag-ipon na ako, I went to a Chanel store,” pag-alala ng dalaga sa nasabing pangyayari.
Chika pa niya, “Pumasok ako tapos nagtanong ako sa isang sales associate if may mga available na mga classic Flap bags.
“Tiningnan niya ako from head to toe, tapos hindi niya ako pinansin. Medyo napahiya ako. Ginawa ko na lang, umalis na lang ako.
“Kasi siyempre, ‘di ba, bakit ka pa pupunta doon? Bakit ka pa bibili ng bag kung gaganun lang din naman. Bibili naman ako,” katwiran ng aktres.
Ang sumunod na insidente ay nangyari raw two years ago, nang pumunta naman siya sa isang Chanel store sa Taiwan. Balak niyang bumili that time ng wallet at sunglasses.
“Second time was in Taiwan, recently, mga two years ago lang. Pumunta ako sa isang Chanel store kasi gusto ko naman bumili ng wallet at sunglasses.
“Ipinapakita ko sa sales associate ‘yung pictures ng gusto ko tapos hindi man lang niya tiningnan ‘yung phone ko. Tapos dinaan-daanan lang niya ako, wala namang tao nu’n,” lahad pa ni Jessy.
Talagang nagkaroon daw siya ng trauma sa mga naranasan niyang yun kaya hangga’t maaari ay bumibili na lang siya ng mga branded stuff sa mga resellers o personal shoppers.
“‘The reason why I like buying from resellers or personal shoppers is because natatakot na ako pumunta sa boutique ng store,” sey pa ng future wife ni Luis Manzano.