Chad Kinis rumesbak sa bashers ng Tililing: Yung mga judgmental ang nagpapalala ng sitwasyon

MATAPANG at palaban ang naging resbak ng komedyante at vlogger na si Chad Kinis sa mga nanghuhusga at nangnenega sa pelikula nilang “Tililing” mula sa Viva Films.

Kasama rin ni Chad sa movie sina Gina Pareño, Baron Geisler, Donnalyn Bartolome at Candy Pangilinan.

Biglang umingay ang pelikula nang mag-react si Liza Soberano sa poster ng movie. Maraming kumampi sa aktres pero meron ding kumontra at nam-bash sa kanya.

Humingi na ng paumanhin ang girlfriend ni Enrique Gil sa lahat ng na-offend sa kanyang naging reaksyon sa poster kasabay ng pagtatanggol sa kanya ni Baron Geisler na isa sa mga bida ng pelikula.

Kasunod nga nito, naglabas din ng saloobin ang komedyanteng si Chad Kinis na nagsabing isang malinaw na panghuhusga ang ginawa ng ilang Pinoy sa poster pa lang ng “Tililing” na idinirek ni Darryl Yap.

“Sinasabi niyo na MENTAL ILLNESS IS NOT a joke and yes I strongly agree. Pero hinusgahan niyo agad ang pelikulang TILILING dahil sa poster pa lamang. Dahil ang tingin niyo dyan ay JOKE,” pahayag ni Chad sa status niya sa Facebook.

Diin pa niya, “Well, we are not joking sa poster na yan. Nasa inyong pag iisip at interpretation ang problema dahil kayo mismo ang nagsasabi na joke at katawatawa ang poster namin.

“Yung iba ang hilig magsabi na MENTAL ILLNESS is not a joke pero mismo sila din ang mahilig magsabi sa ibang tao na ‘nababaliw ka na ata,’ ‘hala nasiraan na,’ ‘nawalan na ng bait’ at iba pa.

“You won’t see the poster funny or even a joke if you really care for those who are suffering from mental illness because you look at them as equals.”

Ginawa pa niyang halimbawa sa kanyang mensahe ang Hollywood movie na “Joker,” “Many people watched JOKER and yet they are ok with it. A person with mental illness dressed as a clown and doing random violence to terrorize Gotham city. Some even dress up as him.

“Some are fans of Suicide Squad specially Harley Quinn who is also suffering from mental illness. But then others judged the poster as if they already know the entirety of the film.

“Kami po kasama ang mga artista na nasa pelikulang TILILING ni Darryl Yap ay hindi tatanggap ng isang proyekto na alam naming ikakasira ng mga taong nagdadaan sa MENTAL ILLNESS.

“Ako po mismo ay dumaan na din dati sa depression. Ganun din ang iba kong kasamahan ay may pinagdaanan o pinagdadaanan na may kaugnay sa MENTAL HEALTH. Pero we accepted to do this film because we strongly believe in the message that it will convey,” litanya pa ni Chad.

Sa huling bahagi ng kanyang FB post, binanggit niya ang mga taong mahilig manghusga, “Yung mga JUDGEMENTAL people ang nagpapalala ng mga situation by getting offended with something they don’t truly understand or not even related to something.

“Before you criticize a film and be offended make sure to see the whole thing. Haven’t you learned anything from the cliché ‘DON’T JUDGE A BOOK BY ITS COVER’

“You want awareness. This is a film that you should see. Try to shut your mouths first and try to open your minds while watching the movie then analyze everything. Weigh them. Then you’ll understand the true message of DARRYL YAP’s masterpiece, TILILING,” pagbabahagi pa ng komedyante.

Read more...