“Oo, tungkol sa mental health issue. Siguro ang alam ni Liza na ang Tililing is parang coin word for sira ang ulo o baliw. So, si Liza kasi sa mga hindi nakakaalam ay mental health awareness (advocate) yan,” sabi ni Ogie sa kanyang vlog.
Nabanggit naman ni Mama Loi na kasama ni Ogie sa nasabing vlog na umani ng iba’t ibang reaksyon ang comment niya sa poster ng pelikula.
Say naman ni Ogie, “Para kay Liza naman sana mayroong matutunan sa pelikula. Hindi naman niya hinuhusgahan totally siguro ‘yung poster lang. So alam mo Loi, isa sa effect sa sinabi ni Liza ay ‘yung curiousity ng mga tao doon sa pelikulang ‘Tililing.’
“In fairness naman to Liza, ako kasi bilang reporter hindi bilang manager ha, parang natulungan pa nga ni Liza ‘yung movie to create a noise at umingay nga ‘yung poster at maraming na-curious.
“Kung na-curious sa poster, maku-curious din sa pelikula na iyon naman ang feeling ko na nagawa ni Liza sa movie na hindi naman niya sinasadya dahil nga sa kanyang advocacy.
“At the end of the day, nakatulong si Liza sa pelikula kahit pa binash nang bongga si Liza aminin natin ‘yan dito sa industriya natin, nakatulong si Liza ng malaki sa pelikulang Tililing ni direk Daryll Yap,” sabi pa ng komedyante.
Singit naman ni Mama Loi, “Ano nga ba ‘yung talamak na kasabihan natin sa showbiz, good or bad publicity (sabi ni Ogie) ‘still publicity.”
Dagdag pa ni Ogie, “And I’m sure tuwang-tuwa ang Viva, yes may nag-react sa poster (sabay palakpak) ganu’n lang naman ‘yun. Kahit ako ‘yung producer ay matutuwa ako Liza Soberano ‘yan ano! Kaya ‘yung mga bashers diyan ni Liza ay makita n’yo rin ‘yung concern ni Liza doon sa mental health awareness.”
Oo nga, malaki ang naitulong ni Liza sa promo ng “Tililing” kaya sigurado kaming masaya talaga ang mag-amang Vic at Vincent del Rosario sa ginawa ng aktres.