Vice nabuking na may nakatagong patola at posas sa kama si Angeline: Wild si Ate Girl!

TOTOONG-TOTOO talaga ang kasabihang “don’t judge the book by its cover.”

Nagulat kasi kami kay Angeline Quinto na wholesome ang imaheng ipinakikita sa publiko bukod sa pagiging komedyana, pero hindi namin inakala na medyo “wild” pala siya pagdating sa personal niyang buhay.

Ito ang nabuking ng mga nakapanood sa house raid na isinagawa ni Vice Ganda sa kuwarto ng singer-actress na may nakitang malaking patola sa ilalim ng punda ng unan at pulang posas at sleep mask sa ilalim ng kutson.

Bumulaga si Vice sa bahay ni Angge habang nasa banyo siya’t gumagawa ng “milagro”. Kaya naman gulat na gulat siya at tinanong kung ano ang ginagawa ng TV host sa bahay niya.

Sabi naman ni Vice, labas-pasok siya rati sa bahay ng kaibigan kaya bakit kailangan pang magtanong at sabay pasok na sa kuwarto na pinipigilan ng dalaga.

Maraming kinakalikot si Vice sa kuwarto ng kaibigan hanggang sa napahiga na ito sa kama at inaya si Angeline na mahiga na rin para magkuwentuhan sila.

“Kung inaantok ka, sana doon ka na sa inyo matulog,” sabi ni Angge sa ate Vice niya.

Tsinetsek ni Vice ang mga unan ni Angeline na ipinagyabang pang bago ang mga ito pati punda hanggang sa may makapang malaking bagay sa loob ng punda.

“Ano ‘to Angge?” gulat na sabi ni Vice sa malaking patolang nakita na hindi naman alam ni Angeline kung ano ang gagawin sa hiya at napayuko na lang habang tumatawa.

“Bakit may ganito ka sa kuwarto? Bakit ka may patola sa kuwarto?” sigaw ni Vice. Sagot ng singer, “Suwerte ‘yan sa feng shui.”

Tanong ulit ni Vice, “Bakit ka nga may patola sa kama?”

“Suwerte nga raw,” saad ng dalaga.

“Hinihimas-himas mo ‘yan para makatulog ka ‘no?” buska ni Meme Vice kay Angeline na hindi pa rin mapigil ang tawa.

“Hindi sa unan,” sambit nito.

“Alam ba ni Mama Bob na naglalaro ka ng patola sa kuwarto?” natatawang tanong ulit ng TV host.

“Hindi ko alam. Ha-hahaha!” tumawang sabi ni Angge.

“Ano pang mga gulay ang pinaglalaruan mo? May mga talong ka rin siguro ‘no?” sabay angat ng kutson.

“Oh my God! May dice (may naka-drawing na iba’t ibang sex position). Wild (sabay tingin sa posas ni Vice)! Ha-hahaha! And yes be naughty (nakasulat naman sa sleep mask)! Anong pinaka-favorite mo rito Angge? (sabay pakita ng dice na may iba’t ibang posisyon sa sex). Kanino mo ito huling ginamit?” tawa pa rin nang tawang tanong ni Vice sa kaibigan.

Ramdam naming gusto ng lumubog ni Angeline sa kanyang kinatatayuan ng mga oras na iyon dahil sa hiya.

“Kanino mo ito huling ginamit?” tanong ulit ng “Showtime” host sa singer.

“Wala,” sagot ni Angge pero tiningnan siya ng masama ni Vice. Sabay sabi ng dalaga ng, “Baka si Mama Bob.”

“Ha-hahaha! Si Mama Bob? Kaya na-stroke dahil dito napagod? G*g*,” sambit ni Vice kay Angge.

Usisa pa ni Vice, “Saan mo ito nabili?” Na agad na sinagot ng dalaga ng, “Bigay lang.”

At dito na nga nabuking na kay Angeline nga ang posas at sleep mask kasama na ang dice. Sabay sabi ni Vice sa camera ng, “Growl, wild si ate Girl (Angeline).”

Hindi naman malaman ni Angeline kung ano ang gagawin nang makita ni Vice ang nasa kuwarto niya na pilit ngang kinukuha ng dalaga.

Grabe, malapit nang umabot sa 5 million ang views ng house raid na ito ni Vice kay Angeline.

At halos iisa ang mga komentong nabasa namin mula sa mga netizens, “The best house raid ever, the whole video tawa ako nang tawa.”

May mga nag-suggest naman kay Vice na i-house raid din niya ang bahay ni Ma’am Charo Santos-Concio.

Read more...