‘Pampaswerte’ tip ni Kim sa mga single para magkadyowa: Proven at tested talaga ito kasi ginawa ko siya

NA-TRY n’yo na bang magsuot ng bagong red underwear sa tuwing sasalubungin ang pagpasok ng Chinese New Year?

Yan kasi ang isa sa mga pampaswerte tips ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu para sa lahat ng mga naghahanap ng magiging dyowa.

Kamakailan ay kumonsulta nga si Kim sa feng shui master na si Johnson Chua at nagtanong kung anu-ano ba ang mga lucky color ngayong Year of the Metal Ox.

Ipinost niya sa kanyang vlog sa YouTube ang naging usapan nila para maibahagi rin sa madlang pipol kung anu-ano ba ang masuswerteng kulay at mga effective na lucky charms para sa taong 2021.

Ayon kay Master Johnson, ang tatlong pampaswerteng color para sa Year of the Metal Ox ay yellow, green at red.

“Yellow is the color of stability so that means mas puwede lumaki yung assets mo, yung investments mo.

“Those who are expanding their business connections and getting into new enterprises can wear green.

“Kung ang habol mo naman is about networks, connections, and learn more new things, mga ganung klase, the best na color is the red color. At alam natin lahat because everyone now is going to digital technology, marketing on social media.

“Red kasi is the color of fire, color of technologies kaya lahat ngayon, sinasabi nila na kung ang negosyo mo, wala pa rin sa Internet, sa Facebook, sa Instagram then huling-huli na yung negosyo mo,” dire-diretsong pahayag ng feng shui expert.
Samantala, ang payo naman ni Kim sa lahat ng mga nagnanais magkadyowa — magsuot o gumamit ng “brand-new red underwear.”

“Maswerte ring mag-wear ng red underwear para sa mga single diyan na gusto magka-lovelife. Ito proven and tested talaga ito kasi ginawa ko ito.

“And then shinare ko ito sa mga friends ko and nagkaroon sila ng love life,” sey ng girlfriend ni Xian Lim.

Nalaman daw niya ang tungkol dito nang may makausap siyang feng shui expert sa Macau, “Kailangan brand-new red underwear para brand-new you, brand-new feeling. Dapat bagong underwear.”

Sinegundahan naman ito ni Master Johnson na nagsabing ang Year of the Metal Ox nga ay maganda at maswerteng taon para sa lovelife at pagsisimula ng pamilya.

“One good thing is that itong Year of the Metal Ox na ito, merong one good star which is the Romance Star.

“So that means, this year, good opportunity for those singles na naghahanap ng partner, naghahanap ng gustong ma-active yung love, this year is a good year.

“For couples, this year is also good year for fertility. Pero step by step, ha, love and then fertility. Huwag po babaliktarin, ha,” aniya pa.

Well, paulit-ulit naman tayong pinaaalalahanan ng mga feng shui experts at mga fortune tellers na gabay lamang ang mga ito at nasa atin pa rin kung tayo’y maniniwala o hindi.

Read more...