SUMUSUMPA ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na walang niretoke sa kanyang mukha at iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Muling ipinagdiinan ng asawa ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na never pa siyang sumailalim sa anumang uri ng cosmetic surgery kahit noong bata pa siya.
Sa latest vlog ng Pinay fashion icon sa YouTube sinagot ni Heart ang hindi mamatay-matay na tsismis na ilan daw sa mga ipinagawa niya ay ang kanyang ilong at mata (eyelid surgery).
“I didn’t, ang kulit. I didn’t nga. I didn’t get it done. It’s not that I have anything against plastic surgery. I’m for it. I have friends that have done it and relatives and I’m super, duper supportive,” pahayag ng aktres.
Ayon kay Heart, isa sa mga rason kung bakit nagdadalawang-isip siyang magparetoke ay dahil bata pa lang ay nasa showbiz na siya, “So I’m so conscious about changing or altering my image.”
Aniya pa, talagang nagbabago ang itsura ng isang tao habang nagkakaedad kaya maraming artistang napagkakamalang sumailalim sa cosmetic surgery kahit hindi naman.
“The collagen, you have less baby fat on your face, your face is more contoured. Also when you lose weight, that changes a lot.
“There are a lot of ways to change the way you look. Age is one, what you eat, sodium is such a big difference. When you cut that out, the bloating is gone. I really didn’t (nagparetoke),” paliwanag pa ng aktres.
Ngunit diretsahang sinabi ng Kapuso star na wala siyang issue o problema sa pagpaparetoke. Sa katunayan, kapag tumanda na raw siya baka magpa-enhance rin siya ng ilang bahagi ng kanyang mukha.
“I don’t mind getting Botox when I’m older. I don’t mind changing a few things when I’m older. I hope I don’t scar because I scar bad. I’m really for it but I just didn’t have anything done,” chika pa ni Heart.
Isa pa sa sinagot ni Heart sa kanyang vlog ay ang tsismis na hindi raw maganda ang relasyon niya bilang stepmom ng mga anak ni Chiz — fake news daw ito.
“When you love other people, even if you didn’t give them the gift of life, it still feels so good because you don’t necessarily want anything in return.
“You want to love them and guide them, and I love them as my own.
“We are fully aware that Chiz is a little bit older than all of us, so in the end, kami kami lang din naman ‘yung magkakasama, so I treasure them so much, and I am very blessed that I have two angels at home,” lahad pa ng aktres.