“FOURSOME” ang paandar na bagong vlog ni Alex Gonzaga sa YouTube na talaga namang nagpasabog na naman ng aliw a lt good vibes sa mga netizens.
Hindi lang kasi ang asawa niyang si Mikee Morada ang nakasama niya sa nasabing YT video kundi pati na ang ate niyang si Toni Gonzaga with her hubby Direk Paul Soriano.
Sumabak ang apat sa “Never Have I Ever” challenge kung saan game na game nilang sinagot ang mga naughty questions na inihanda mismo ni Alex, kabilang na nga ang tungkol sa kanilang sex life.
“Dahil, alam n’yo na, maybahay na ako, finally makakapag-dirty talk na!” ang diretsong pahayag ni Alex sa kanyang “foursome” vlog.
Hirit naman ni Toni sa kapatid, sigurado raw siya na panonoorin ng kanilang inang si Mommy Pinty ang gagawin nilang game na sinagot naman ni Alex ng, “We’ll block her!”
In fairness, nilagyan naman ni Alex ng “Rated SPG” warning ang bahagi ng vlog kung saan napag-usapan nga nila ang tungkol sa sex, kabilang na ang tanong kung may pagkakataon bang pineke nila ang pagdating sa “climax” at kung na-try na ba nila sa iba’t ibang lugar.
Sa isang bahagi naman ng video, tawa nang tawang sinabi ni Mikee na fake news daw ang tsismis na nagkalumpuhan sila ni Alex noong unang gabi nila bilang mag-asawa.
Ang tanong kasi ni Alex, “Never have I ever invited my partner to do some bang-bang and got rejected.”
Nag-“I have” si Direk Paul habang natawa naman si Mikee bago sumagot ng “I have” pero meron siyang paliwanag.
Sa kasal daw nila noong November, 2020 sa Taytay, Rizal, may pagbabanta raw si Alex sa kanya sa kanilang exchange of vows. Sey daw ni Alex, “Tonight is the night when two become one. Sana, nakapag-prepare ka. Kasi, talagang magkakalumpuhan tonight.”
“Iyong mga ipinagmamalaki niyang lumpuhan, fake news! Ha-hahahaha!” hirit pa ng mister ni Alex.
Pareho namang “I have never” ang sagot nina Toni at Alex sa eksenanv “nagyaya-at-na-reject.”
Nakakaloka rin ang tanong ni Alex kung naranasan na ba nila ang machurvahan habang nasa kabilang kwarto lang ang mga magulang nila?
“I have never” ang mabilis na sagot nina Toni at Direk Paul, habang “I have” naman sina Alex at Mikee.
Sabi agad ni Alex, “Mom and Dad, can you close your ears?” Na hiniritan naman ni Toni ng, “Paano nila iko-close yung ears? Yun ang tanong.”
May pagkakataon ba na nag-send sila ng dirty or naughty texts? “I have” sina Toni at Direk Paul na anim na taon nang nagsasama bilang mag-asawa.
Sina Alex at Mikee naman ay “I have never” kaya baling ni Toni sa kanyang sisteraka, “Di nga? Sa dumi ng bibig mo?”
Inaway na ba nila ang asawa para magkaroon ng make-up sex? “I have never” ang sagot ng celebrity couples. Bigla namang humirit si Alex kay Mikee ng, “Mamaya, aawayin kita.”
Na-try na ba nilang magtulug-tulugan para hindi maka-score sa kanila ang asawa? Sagot nina Toni at Paul ay “I have” habang “I have never” naman sina Alex at Mikee.
Pambubuking ni Alex sa asawa, “Mikee, lagi kang tulog!” Na sinagot naman niya ng, “Hindi ako nagpe-pretend. Totoong tulog yun.”