ISA sa lead stars ng upcoming GMA Public Affairs series na “Owe My Love” ang Kapuso actor na si Benjamin Alves at tulad ng fans at viewers, excited na rin siya sa nalalapit nitong pag-ere sa primetime ngayong Lunes, Peb. 15.
Halos dalawang buwan ang naging lock-in taping ng inaabangang romantic-comedy series na ito ng GMA kaya naman pagbabahagi ni Ben, nakabuo siya ng magandang samahan with the whole cast.
“It’s great, ine-emulate namin ‘yung lightness of the material and it really helps. You really create bonds. I’ll see these guys after and we will always have this experience together,” pahayag ng Kapuso hunk.
Gaganap siya sa serye bilang si Dr. Miguel “Migs” Alcancia, isang heart surgeon at financial adviser ng online show na “Alcancia ng Bayan.” Kalaunan sa kuwento ay pagtatagpuin sila ni Pacencia “Sensen” Guipit (Lovi Poe) dahil sa kani-kanilang problema sa pamilya at pera.
Abangan ang nakatutuwang tambalan na ito sa “Owe My Love” ngayong Lunes na sa GMA Telebabad.
* * *
Super thankful at feeling grateful ang Kapuso singer-actress na si Mikee Quintos sa napakainit pa ring pagtanggap ng manonood sa teleserye nilang “The Lost Recipe” sa GMA News TV.
Nalaman ni Mikee na parami pa nang larami ang nai-inspire sa kanyang karakter sa “The Lost Recipe” na si Chef Apple Valencia, dahil sa kanyang tapang at dedikasyon na huwag isusuko ang mga pangarap.
Sa panayam ng GMA, sinabi ng dalaga na kahit siya ay nai-inspire sa pagganap bilang si Chef Apple, na tutulong kay Chef Harvey Napoleon (Kelvin Miranda) na muling ihain ang makasaysayang “lost recipe.”
“Nare-remind ako kung bakit ko ito naging dream in the first place. Naaalala ko ‘yung days when I was a teenager, na ini-imagine ko ‘yung life ko with a thousand percent drive to being focused on reaching the goals that I want to reach,” pahayag ni Mikee.
“At such a young age nga, I think our generation, maraming mga ganoong hearts, ‘yung mga may fire and may passion because sa digital age nga rin, we’re open to a lot of things, and mas maaga naming nae-explore, ‘Ay gusto ko ng ganito, gusto ko ng ganiyan.’ And iba ‘yung drive, I think, ng generation namin nga,” aniya pa.
“I’m hoping that the way Apple inspires me as Mikey ay ma-transcend ‘yun through the screen and inspire young hearts, to do not lose that drive and to never give up on chasing their dreams, it’s never too late,” sabi pa ng Kapuso star.
Nang hingan ng payo para sa mga tulad niyang nangangarap, “Siguro the best advice I could give is for them to acknowledge how important having a great mindset is. Kailangan ready kang madapa, ready kang matalo, tanggapin mo lang ‘yun as a learning experience lagi.
“And to trust God na may plan siya for you. Oo ibigay mo ‘yung best mo lagi sa kahit anong gagawin mo, ’cause you’ll never know kung ano at saan ka dadalhin ng things at opportunities na lumalapag sa harap mo.
“So just do your best with everything that you’re doing, whatever it is. See things through, so you’ll find the right path for you,” sabi pa ni Mikee.
Kasama rin sa “The Lost Recipe” bilang kaagaw ng karakter ni Kelvin kay Mikee ang young Kapuso hunk na si Paul Salas na agaw-eksena rin sa kuwento ng serye bilang aspiring singer.