SA kabila ng pamba-bash ng mga netizens at sa banta ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan, wala pa ring balak ang controversial Fil-Am rapper na Ez Mil na baguhin ang lyrics sa kanyang hit song na “Panalo (Trap Cariñosa).”
Ipinagdiinan ng management company ng viral rapper na nag-sorry na ang kanilang talent sa tinawag nilang “historical inaccuracy” sa ilang lyrics ng “Panalo”.
Inireklamo ng mga nakarinig sa kanta ni Ez Mil ang bahagi kung saan binanggit nito ang mga katagang, “pinugutan si Lapu sa Mactan” na hindi raw tumutugma sa tunay na kuwento ng kasaysayan ni Lapu-Lapu.
At dahil nga rito, nag-issue ng statement si Mayor Junard Chan ng Lapu-Lapu City at humiling ng public apology mula kay Ez Mil at sinabihang baguhin ang inirereklamong lyrics ng kontrobersyal na kanta at gawin itong makatotohanan.
“Hindi nararapat para sa mga anak ni Lapu-Lapu at sa bawat Oponganon ang isinulat na lyrics ng rapper. Mismong ang Pangulo ang nagbigay ng karangalan kay Datu Lapu-Lapu sa pamamagitan ng pag-highlight sa ika-500 anibersaryo sa Pagkapanalo sa Mactan ngayong April 27, 2021. Meron na rin tayong module na ginawa upang bigyan ng tamang information patungkol sa ating bayani,” ang pahayag ng alkalde sa salitang Bisaya.
Sa pamamagitan ng isang statement na idinaan sa music platform na Wish USA, sinabi ng manager ni Ez Mil na si Hbom Segovia na humingi na ng paumanhin ang Fil-Am rapper-songwriter.
“Ez Mil and his management have maintained that he had already issued his apology regarding the issue in an interview last Feb. 1,” ang pahayag ni Segovia na ang tinutukoy ay ang nakaraang panayam sa Las Vegas based rapper.
“I’m sorry to anybody who was offended with the fact that me putting inaccurate sources in our history as Filipinos. That’s why the song is what it is right now,” ang nauna nang pahayag ni Ez Mil.
Aniya pa, “Because in terms of the rhyming pattern, I always go to this dilemma or doubt in my head in terms of when I’m closing out a song. Am I gonna close it out with absolute truth or am I gonna make people talk about it? That’s like me weighing the options,” sey pa ng binata at ipinagdiinan na alam naman niyang hindi talaga pinugutan si Lapu-Lapu.
“That’s me putting an exaggerated term in a ploy to drive traffic and talk.
“I do not intend to have a corrected version of the song because I feel like that will ruin the integrity of the recording. It blew up because it made people talk and I will let it stay that way,” ang sabi pa ni Ez Mil sa panayam naman ng ABS-CBN.
Narito ang ilang bahagi ng viral song ng proud Pinoy rapper na umabot na sa 30 million views sa YouTube channel ng Wish US.
“Tayo ay Pilipino
Kahit anong kulay ng balat
Isa sa puso
Mapa-Tagalog, Bisaya, o Ilokano
Walang tatalo sa bagsik
Ng ating dugo
Isigaw ng malakas ang
Ating panalo
‘Wag nang pag-usapan
Ang mga negatibong pangyayari
Sa’n mang panig ka
Nasa mundo
Kinabukasan na natin ‘to
Panalo!”