PINATUNAYAN ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez na hindi lahat ng basketball player ay babaero o playboy tulad ng paniniwala ng marami.
“Wala sa klase ng trabaho ang pagiging babaero,” ang ipinagdiinan ni Bianca nang sagutin ang tanong ng isang netizen.
Sa kanyang “True or False” session sa Instagram natanong nga ang asawa ng PBA player na si JC Intal kung, “Babaero daw lahat ng basketball player?”
Aniya, hindi raw ito totoo. Pero inamin niyang may mga issue rin siya noon sa mga basketball players.
“To be honest, before I met JC, I had so many wrong preconceived notions about basketball players, to the point that I never thought I’d consider dating him,” pahayag ni Bianca.
“What I’ve learned is that wala sa klase ng trabaho ang pagiging babaero. Ang babaero, babaero. Just like we can’t generalize that we wanna end up with a businessman or doctor kasi they are surely good husbands,” patuloy pa niyang pagdepensa sa mga kalalakihan.
Sey pa ng TV host, “A career or choice of job doesn’t define what makes a good man. A man decides to be a good man, regardless of career choice.”
Ikinasal sina Bianca at JC noong December, 2014 at biniyayaan ng dalawang anak na babae — sina Lucia at Carmen.
Samantala, nabanggit din ni Bianca na hindi raw talaga pamilyar sa kanya si JC kahit avid supporter siya ng UAAP games lalo na kapag may laban ang kanilang alma mater na Ateneo de Manila University.
“OMG. When we started dating, hiyang hiya ako kay JC kasi I would always watch Ateneo UAAP games since college days, but was never really familiar with him!
“I think that was refreshing for him though, that someone from the same school didn’t really ‘care.’ But I do remember us watching his UAAP dunk videos on YouTube and me being kinda ‘kilig.’ Hahaha,” pahayag ng isa sa mga host ng “Pinoy Big Brother.”
Sa tanong naman kung istriktong tatay si JC, sagot ni Bianca, “He is super talo sa two girls. He will try, like try to ‘get mad’ but after they cry a bit, bibigay na siya. Hahaha. I’m the strict one.”