Buntis nang layasan (2)

Sulat mula kay Cristina, ng Lugait, Misamis  Oriental  
Problema:
Dear Sir Greenfield,
1.  Nagkakilala kami ng boyfriend ko sa pamamagitan ng text.  Di nagtagal ay nag-eyeball na kami.  Maganda ang unang eyeball namin kaya nasundan pa ito ng mga pagkikita at date hanggang sa nabuntis ako. Ang tanga ko talaga dahil lahat ng sinabi niya ay pinaniwalaan ko.
2. Inakala ko ngang binata siya kaya handa niya akong pakasalan, hanggang na nadiskubre ko na may asawa siya at mga anak.  Simula nang mabuntis ako ay naglaho na siya na parang bula.  Marahil, hindi na rin siya makikita ng anak niya.  Pananagutan kaya niya ang baby ko o bibigyan niya kami ng sustento? Ano ang mangyayari sa buhay ko kapag naging dalagang-ina ako?
Umaasa,
Cristina, ng Lugait, Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius  (Illustration 2.) ay nagsasabing ang lahat ng mga pagsubok na pinagdadaanan mo sa kasalukuyan ay malalagpasan mo rin hanggang sa dumating ang ikalawang pag-ibig na hatid ng isang Gemini. Sa kanyang pagdating ay habambuhay ka nang liligaya kahit pa sabihing magiging dalagang-ina ka.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabi namang dahil likas kang mabait at mabuting tao, darating ang takdang panahong gagantimpalaan ka rin ng kabaitan at kabutihan ng tadhana. Mangyayari sa last quarter ng taong ito ang lalaking isinilang sa petsang 29.
Graphology:
Upang matiyak na sa ikalawang pag-ibig at pakikipag-relasyon ay hindi ka na luluha, ayusin at pagandahin mo ang nababoy at may malaking bilog na lagda sa unahang bahagi ng iyong pirma. Magagawa mo iyan sa pamamagitan ng pagsulat ng simpleng “M” na lang. Sa ganyang maayos at simpleng lagda at  sa ikalawang pakikipagrelasyon ay habambuhay ka nang liligaya.
Huling payo at paalala:
Cristina, ayon sa iyong kapalaran, kung buntis ka ngayon ay okey lang ‘yan. Lilipas at mapaglalabanan mo ang pagsubok na nabanggit. At kahit na maging dalagang-ina ka pa, nakatakda na ang magaganap—isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A. ang iyong makikilala, magiging boyfriend mo siya at kahit na dalagang-ina ka, wagas ka niyang mamahalin at makakasama mo siya sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

READ NEXT
Staying awake
Read more...