DATI na nating nasagot ang mga isyu tungkol sa birth certificate. Kaya lang talagang marami sa ating mga readers ang namumroblema sa kanilang birth certificate, kaya hayaan ninyo akong sagutin ang lahat ng inyong katanungan tungkol dito.
Dahil halos ay magkakatulad ang problema gaya ng clerical error , mali yung entry ng mga date sa araw ng kapanganakan, iba ang spelling o talagang iba ang pangalan sa birth certificate sa ginagamit na pangalan sa halos lahat ng dokumento, mali yung sex, tapos meron gusto na papalitan ang first name, at iba pa, sasagutin na lamang po natin ito nang isahan na lamang.
Sa batas na Republic Act No. 10172 (July 25, 2011), ang isang indibidwal ay maaari nang mag-apply ng “Change of First name” sa Civil Registrar kung saan siya ipinanganak.
Pwede na rin mag-apply ng “change of sex” kung ito ay bunga lamang ng clerical error sa Civil Registrar kung saan kayo pinanganak.
Sa iba pang mga problema hinggil sa mali ang spelling, simple lang ang gagawin mag-apply ng Correction of Clerical Error in Birth Certificate. Kadalasan, kung clerical error lang naman, ay hindi na kinakailangan ng court order.
Dear Atty.:
Magkano po ba ang dapat kong itustos sa bata base sa ipinag-uutos ng batas? May anak po ako sa labas na one year old. – Jun, Cebu, …7717
Dear Jun:
Wala namang nakalagay sa batas kung magkano ang minimum na binibigay na financial support sa anak.
Maari kasi na P4,000 o pwede din namang P40,000.
Ang financial support ay nagiiba at ang mga sweldo at kakayanan sa hanapbuhay ang gabay kung magkano ang dapat ibigay na suporta sa inyong anak.
Halimbawa, kung ang inyong sweldo ay P15,000 a month, maaring ibigay ninyo ay 1/3 ng inyong sweldo tuwing araw ng inyong sweldo: P2,500 tuwing kinsenas.
Samakatuwid, depende talaga iyan sa inyong sweldo, maari rin itong magbago. Meron ding mga magulang na buong sweldo nila ang kanilang ibinibigay bilang financial support sa kanilang mga anak, maaari kasing may iba pa siyang pinagkakakitaan. — Atty.
Editor: Mababasa ang Ibandera ang Batas ni Atty. Fe siton tuwing Miyerkules at Biyernes. Kung merong nais isangguni, i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 0 09277613906