Senior citizen na fan ni Barbie nag-donate sa Smile Train sa halip na mag-party para sa 80th b-day

SA halip na magkaroon ng bonggang birthday celebration, mas pinili ng isang senior citizen, na kilala ring tagasuporta ni Barbie Forteza, ang makatulong sa mga batang may cleft lip/palate.

Nagdiwang ng kanyang 80th birthday si Nanay Nenita Samson sa pamamagitan ng pagdo-donate sa Smile Train, isa sa mga grupong tumutulong na maipaopera ang mga batang isinilang na may bingot.

Isa si Barbie sa mga kilalang celebrities na tumatayong ambassador ng Smile Train kaya naisipan ni Nanay Nita na magbigay ng kaunting tulong sa organisasyon bilang bahagi ng kanyang birthday celebration.

Nagpasalamat naman ang Smile Train Philippines kina Barbie at Nanay Nita sa pamamagitan ng isang post sa Instagram stories.

“Dahil kay @barbaraforteza at Nanay Nita, marami pang batang ipinanganak nang may cleft [ang] matutulungan ng @smiletrain,” ang caption na nakalagay sa litrato ni Barbie kasama ang mga batang natulungan ng Smile Train.

Ayon kay Nanay Nita, naging paborito at inspirasyon na niya si Barbie mula noong mamatay ang kanyang asawa. Talagang nanonood pa siya nang live sa dating variety show ng GMA na “Sunday Pinasaya” para lamang makita nang personal si Barbie.

Pero ngayong may pandemya, nakatutok muna siya sa mga vlogs ni Barbie sa YouTube at sa Kapuso primetime series na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.”

* * *

Speaking of “Anak Ni Waray vs Anak ni Biday”, nagkuwento sina Dina Bonnevie, Snooky Serna at Jay Manalo sa naging karanasan sa kanilang lock-in taping.

Ayon kay Ms. D, magkahalong saya at kaba ang naramdaman niya noong bumalik sila sa taping under new normal, “Masaya at sana tuluy-tuloy na ito. Anxious din na sana maging mainit ang pagtanggap sa amin ng viewers.”

Sabi ni Snooky okay naman ang naging karanasan niya sa lock-in taping at natutuwa siya na ipinagpatuloy pa ng GMA ang kanilang serye sa kabila ng banta ng pandemya.

“I am so excited. We are back on GMA Telebabad and so the excitement and drama continue. Mas marami pang pasabog ang kanilang dapat abangan! Mga revelation and more heartwarming scenes that deal on family and friendship,” aniya pa.

Kuwento naman ni Jay, “For me, it was a little bit odd because we had to stay in one place but funny as it seems, I had a nice time working. Masaya kami sa set at very cooperative ang lahat. Sumusunod lahat sa rules and regulations.”

Read more...