Mark kay Baby Corky: Wala ka pang isang linggo pero ang dami mo nang ginagawang kalokohan | Bandera

Mark kay Baby Corky: Wala ka pang isang linggo pero ang dami mo nang ginagawang kalokohan

Ervin Santiago - February 08, 2021 - 09:10 AM

PINUSUAN ng kanyang mga tagasuporta pati na rin ng mga kaibigan sa showbiz ang mensahe ni Mark Herras para sa bagong-silang niyang anak.

Maraming na-touch sa Instagram post ng first StarStruck Ultimate Male Survivor para sa anak nila ni Nicole Donesa na si Mark Fernando o Baby Corky.

Ramdam na ramdam kasi ng mga nakabasa nito ang sobrang pagmamahal ng Kapuso actor kay Baby Corky na isinilang nga ng kanyang fiancée nitong nagdaang Feb. 1.

Mula nang ipanganak ang baby, halos araw-araw talaga ay may mga paandar na post si Mark tungkol kay Baby Corky. Nitong nakaraang araw, nagbiro pa ang aktor na marami na raw ginagawang “kalokohan” ang bata.

“Mark Fernando Donesa Herras Wala ka pang isang linggo pero ang dame mo ng ginagawang kalokohan pero sa pinaka cute na paraan mo sya ginagawa haaaaay puyat at pagod?

“Kayang kaya kasi iba ‘yung saya na binibigay mo samin ng mameeeehhh mo. Labyu bibiboy!!!!” ang caption ni Mark sa super cute na litrato ni Baby Corky.

Kasabay nito nag-thank you rin si Mark sa mga katuwang nila ni Nicole sa pag-aalaga sa sanggol.

“And nana/mita thank you po sa lahat alam ko 1 week palang si Corky pero mas naging madali ang lahat dahil nandiyan po kayo. Salamat po!! #Corky,” ani Mark.

Ilan sa mga celebrities na napakomento talaga sa IG post ni Mark ay sina Yasmien Kurdi, Rochelle Pangilinan at Divine Tetay.

Sa sumunod naman na post ni Mark, ipinagdiwang nila ang unang linggo ng bata mula nang ipanganak ito, “Corkyboy 1 week ka na today. Mahal na mahal ka namin anak!! Please don’t grow up too fast ah, slowly lang. Labyu!!”

Samantala, nag-post din si Mommy Nicole sa IG kung saan feel na feel ng kanyang followers kung paano niya panggigilan ang anak.

“Just when you think you know love, someone so little and precious comes along to remind you just how big love really is.

“Hi Everybody I’d like for you all to meet this little cutie who stole my heart at first sight. My son, my light & my life… Mark Fernando Donesa Herras (Bibiboy Corky),” sey ng Kapuso actress.

Kung matatandaan, unang nagkasama ang engaged couple sa GMA afternoon soap na “Bihag” at noong August, 2019 ibinandera na nila sa publiko ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last June, 2020 naman nag-propose ang Kapuso actor kay Nicole na dati ring beauty queen at nitong nagdaang Setyembre kinumpirma nga nilang magiging parents na rin sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending