SALUDO ang Kapamilya young actress na si Loisa Andalio sa tapang ng mga kapwa-Star Magic talents na sina Maris Racal at Sue Ramirez na labanan ang mga manyak sa social media.
Hiningan ang girlfriend ni Ronnie Alonte ng reaksyon sa naging hakbang nina Maris at Sue na patulan ang mga taong nameke at nagpakalat ng kanilang mga hubo’t hubad na litrato sa digital presscon ng bago niyang series with Ronnie sa iWant TFC na “Unloving U.”
Dito nabanggit din ang ginawang pangdodoktor sa bikini photo ng isa pang Kapamilya actress na si Barbie Imperial at saka ipinakalat sa internet.
“Iba rin kasi trip talaga ng mga tao ngayon, e. Nasa sa ‘yo lang talaga kung papatulan mo, kung kapatul-patol ba.
“Okay ‘yung pinagsabihan nila, kasi hindi naman talaga tamang gawing biro ‘yung katawan ng babae. Hindi siya tamang gawing biro. Ikaw din ang makaka-control sa sarili mo kung magpapaapekto ka ba o hindi,” simulang chika ni Loisa.
Aniya pa, sana’y maging lesson na ito sa lahat ng mga taong gumagawa ng ganitong uri ng pambabastos at panghaharas sa lahat ng kababaihan hindi lamang sa mga artista.
Naniniwala rin ang dalaga na walang masama sa pagpo-post ng mga sexy photos sa social media hangga’t alam mo ang iyong mga limitasyon.
“Sa akin, walang masama sa pagpo-pose ng sexy kung wala ka naman ding masamang intensyon. Kung ganoon ka ka-confident o ka-proud sa katawan mo, okay lang naman ‘yung ganoon.
“Nasa sa ibang tao na talaga kung paano nila iti-take, kung babastusin nila o maa-appreciate nila. Kung maa-appreciate nila, thank you.
“Kung may mambabastos, God bless na lang. Ipagpasa-Diyos mo na lang ‘yung mga taong ganoon,” pahayag pa ni Loisa.
* * *
Anuman ang kalagayan ng puso, makaka-relate at kikiligin ang viewers sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig ng mga pelikula at seryeng pwede nilang panoorin sa bahay ngayong Valentine’s Day sa iWantTFC streaming service.
Hatid nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang saya at sakit ng pagmamahal sa kauna-unahang iWantTFC original series nilang “Unloving U” kung saan haharapin nila ang mga hamon ng bawal na pag-ibig. Mapapanood na ito sa buong mundo simula Peb. 8.
Madudugtungan na rin ang love story nina Xavier at Mico simula ngayong Peb. 12 dahil magiging available na sa iWantTFC ang boys’ love (BL) movie na “Hello Stranger” na pinagbibidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara. Kung BL naman ang hanap, marami ring available na Thai series sa platform gaya ng “A Tale of Thousand Stars” na napapanood ng users sa Pilipinas.
Bago naman matapos ang buwan, mapapanood na rin ng Pinoy fans ang “Count Your Lucky Stars,” ang bagong romantic comedy fantasy series ng Taiwanese star na si Jerry Yan. Simula Peb. 22, dalawang episodes kada araw ang magiging available sa iWantTFC hanggang Marso 10.
May iWant original series din para sa mga naghahanap ng bagong kwentong paghuhugutan ng aral gaya ng romcom series nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap na “Hoy, Love You!” at ang May-December love affair nina Iza Calzado at James Blake sa “Loving Emily.”
Mapapanood din ng fans ang mga paborito nilang love teams sa movies ng KathNiel na “The Hows of Us,” “Alone Together” ng LizQuen, at “Never Not Love You” ng JaDine, pati na ang kumpletong episodes ng mga teleserye nilang “Got to Believe,” “Dolce Amore,” at “On the Wings of Love.”
Sagot din ng iWantTFC ang mga pelikulang pampapawi ng lungkot tulad ng “All You Need is Pag-ibig,” “The Achy Breaky Hearts,” “Dear Other Self,” “Three Words to Forever,” “Gimik: The Reunion,” at “FLAMES The Movie.”
Panoorin ang mga ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas.