Halos lahat ay pabor na sa new normal taping/shooting ngayong panahon ng pandemic. Pero may ilan pa ring hindi ito gusto dahil para sa kanila ay frustrating ito katulad ni Gelli de Belen.
“Sometimes frustrating din. Mahirap maraming restrictions, mahirap ‘yung social distancing. Kailangan you’re conscious about cleanliness, about protecting yourself and protecting others. Tapos pati ‘yung limitations as an actor. Tapos we have to be locked-in. Maraming limitasyon,” wika ni Gelli na kasama sa “Unloving U” mini-series na mapapanood sa iWant TFC sa Lunes, Pebrero 8, kasama sina Ariel Rivera, Loisa Andalio at Ronnie Alonte.
“Pero pag naiisip ko ang lahat ng ‘yun at gusto kong magreklamo, ang iniisip ko na lang kaysa wala naman tayong ginagawa. And gumawa tayo ng paraan to overcome this situation and if this is what it will take to make it work and para makapagtrabaho muli, makagawa ng pelikula, makagawa ng TV show, e, di tiisin muna natin. Abangan natin in time things will change and for now this is the new normal so tiis-tiis na lang, puwede naman kaya naman,” paliwanag ni Gelli.
Sa tanong kung ano ang pinaka-fun na experience ni Gelli habang sinu-shoot ang “Unloving U” ang sagot ng aktres ay ang makasama ang asawang si Ariel.
“I think the most fun while doing this was working with our significant others. That’s the most fun part of it all. I’m working with my husband and sila (Ronnie at Loisa) naman mag-boyfriend/girlfriend and they’re working together. I think that’s the fun part of it all. I must say, it’s different,” kuwento pa ni Gelli.
Dagdag naman ng direktor ng “Unloving U”, “The whole experience is fun, eh. I think ‘yun ang magandang advantage ng lock-in kasi magkakasama kayo for a long time na wala kayong ibang ka-interaction. So kayo-kayo ‘yung nagba-bonding.”
“Sa set puro lang naman kami jokes. Wala naman kaming exceptional jokes pero ang naalala ko lagi ay tawa kami nang tawa kasi nakakatawa si Sir Ariel. Si Loisa rin sobrang masarap kasama kaya kahit nasa ibang shoot na kami naalala namin si Loisa. Saka sila kasi ni Ronnie pag nagba-banter sila tawa kami nang tawa na parang ‘ang weird nitong dalawang ‘to buti hindi sila nagkakapikunan. ‘Yung humor din nina sir Ariel at Gelli, weird din tapos sila (Loine) weird din,” wika pa ni Direk.
Say naman ni Gelli, “Lalo na si Ariel, akala mo hindi makulit pero napakakulit niya.”
May selos pa bang nararamdaman si Gelli kapag napa-partner sa iba si Ariel.
“Uy selosa ako pero pag work talaga hindi. Kasi alam ko rin eh kasi naiintindihan ko so hindi ako nagseselos,” sambit ng komedyana.
Tulad ng nagkatrabaho sina Ariel at kapatid ni Gelli na si Janice de Belen, “Pagseselosan ko ba ‘yun? Nakakatawa di ba. Sila nga ang medyo uncomfortable. Pero wala na kaming ganyan (selosan) after all these years,” sabi pa.
At dahil malapit na ang Valentine’s Day ay paano ise-selebra nina Gelli at Ariel (23 years ng mag-asawa) ito sa panahon ng pandemya.
“There’s always a celebration when it comes to love. Dumaan man ang pandemya, dumaan man ang war kailangan nating bigyan ng space ang pag-celebrate ng pag-ibig. Ika nga ni direk, it doesn’t have to be romantic love,” ani Gelli.
“Just love yourself. I-celebrate mo na mahal mo ang sarili mo, i-celebrate mo ang sarili mo na puwede kang magkaroon ng romantic love. But be sure you have social distancing. And if you have to hug your love, be sure na negative ang kanyang (swab) test,” esplika ng aktres.
Anyway, fun-fun show daw ang “Unloving U” at mage-enjoy ang lahat ng makakapanood dahil, “light lang ito at hindi ito mabigat kasi mabigat na ang pinagda-daasan ng buong mundo,” say ni Gelli.
Sa Pebrero 8 na ang “Unloving U” na mapapanood sa iWantTFC mula sa direksyon ni Easy Ferrer handog ng Dreamscape Entertainment.