Nilinaw ng gobyerno na kailangan nang magsuot ng face mask ang drayber at mga pasahero habang nasa loob ng pribadong sasakyan.
Ito ay alinsunod sa desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), Department of Health (DOH) at Department of Transportation (DOTr).
“When the driver is with passenger/s, it is mandatory for all individuals inside the vehicle to properly wear a face mask, regardless if they are from the same household,” saad sa joint statement ng DOH at DOTr, araw ng Biyernes.
Kung bibiyahe naman mag-isa, maaaring tanggalin ng drayber ang kaniyang face mask.
Samantala, para naman sa mga pampublikong sasakyan, ipinatutupad pa rin ang pagsusuot ng face mask ng mga pasahero.
MOST READ
LATEST STORIES