Online licensure exams posible ngayon taon, ayon sa PRC

 

Ikinukunsidera na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pagsasagawa ng computer-based licensure examinations ngayon taon.

Noong nakaraang taon, 11 exams lang ang naikasa ng ahensiya dahil sa pandemya, samantalang 80 noong 2019.

Ngayon taon, binabalak ng PRC na makapagsagawa ng 101 examinations.

Paliwanag ni PRC Chairman Teofilo Pilando Jr., pinag-aaralan na nila ang mga batas sa bawat propesyon at maging ang mga isyu sa privacy, security at technology.

Aniya ang binabalak nilang online examinations ay para sa mga propesyon na maliit lang ang bilang ng examinees.

Ngunit pag-amin ng opisyal may mga professional boards pa rin ang nagdadalawang-isip at inirekomenda na ang kanselasyon ng mga eksaminasyon ngayon taon.

Read more...