Maja may bonggang offer sa GMA 7; Dimples, Jake, Ria balik-ABS-CBN

BALIK-ABS-CBN sina Dimples Romana, Ria Atayde at Jake Cuenca pagkatapos ng mga ginawa nilang programa sa TV5.

Nananatili pa rin kasi silang talent ng Star Magic kaya binigyan sila ng bagong teleserye, ang “Viral” mula sa RCD Narratives na pinamamahalaan ni Ms. Roda Catolico dela Cerna.

Matatandaang tinanggap nina Dimples, Ria at Jake ang offer ng Brightlight Productions at APT Entertainment para sa mga programa nilang “Oh My Dad”, “Chika Besh” at “Ate ng Ate Ko” respectively.

Si Dimples ang pangunahing bida kasama si Ian Veneracion sa sitcom na “Oh My Dad” sa TV5 na umeere pa rin hanggang ngayon para sa book 2.

Si Ria ay isa sa host ng “Chika Besh” kasama sina Pokwang at Pauleen Luna na line produced ng APT Entertainment na nagtapos na nitong Enero, 2021.

Samantalang si Jake ay nasa seryeng “Ate ng Ate Ko” kasama sina Kris Bernal, Isabelle de Leon, Kim Last, Phil Noble, Joem Bascon at Tonton Gutierrez produced ng APT Entertainment na patapos na ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon nga sa kampo ni Jake, “Hindi naman umalis ng ABS si Jake, pinayagan lang siyang gumawa ng project outside kasi wala pang ABS.”

Anyway, base sa anunsyo ng ABS-CBN, makakasama rin sa “Viral” sina Louise Abuel, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Jameson Blake, Markus Paterson at Charlie Dizon na ididirek nina Dado Lumibao at Froy Leonardo.

* * *

Kung nakabalik na sina Dimples Romana, Ria Atayde at Jake Cuenca ay makakabalik pa kaya sa ABS-CBN si Maja Salvador?

Hindi na kasi siya Star Magic talent dahil nagtayo na siya ng bago niyang management company na mamamahala ng career niya ayon mismo sa nakausap namin sa Kapamilya network.

Nagpaalam si Maja noon na sasamahan muna niya ang “tatay” niyang si Mr. Johnny Manahan sa programang “Sunday Noontime Live” o “SNL” sa TV5 na wala na ngayon pero ang dinig namin ay may offer ang Kapatid network na bagong show. Mayroon din daw alok ang GMA kaya ano kaya ang tatanggapin ng aktres?

Sure kami na hindi magpapa-exclusive contract si Maja sa GMA at wala namang offer na exclusive ang TV5 kaya posibleng tanggapin ng dalaga ang dalawang offer.

Hmmm, kung TV series ang offer ng GMA kay Maja ay maganda sana kung pagsamahin uli sila ni Aiko Melendez para magsilbing reunion project nila. Una silang nagsama na tumatak talaga bilang sina sina Ivy Aguas (Maja) at Emilia Ardiente (Aiko) sa Kapamilya series na “Wildflower.”

Read more...