PANSAMANTALA munang iiwan ni Kris Aquino ang Metro Manila para muling manirahan sa probinsya.
Ayon sa TV host-actress regalo niya sa sarili para sa kanyang kaarawan sa Peb. 14 ang paglipat sa uupahan nilang beachfront house sa probinsya.
Ibinalita ito ni Kris sa pamamagitan ng latest video na ipinost niya sa kanyang Facebook page kung saan sumabak din ang mommy nina Joshua at Bimby sa “Jojowain o Totropahin” challenge.
“Yes, birthday gift ko po sa sarili ko ang paglipat sa isang beachfront house na inupahan namin for the next six months. Sa probinsya na kami titira, lalayo muna kami ng NCR (National Capital Region).
“Babalik lamang po ako sa Central Luzon every six weeks para ma-check si Kuya Josh na nahanap na ang true happiness niya sa Tarlac,” kuwento ni Kris.
Ibinalita rin ng tinaguriang Queen of All Media na lumipat na sila ng tirahan. Kinumpirma niyang nasa condominium na silang mag-iina.
“At present, we no longer reside in Greenmeadows-in the house you saw in may of my webisodes.
“Seven months na po kaming nakatira on a serviced residence here in BGC (Bonifacio Global City) which many of you assumed was our condominium.
“I am taking my time in deciding where my sons and I will feel most comfortable.
“The new Skyway extensions have greatly increased our options. Pinili kong lumayo muna sa city living dahil habang may pandemic, kailangan mas lalo ko pang pag-ingatan ang kalusugan ko because as you saw in this video, I am the only one parent, the 13-year old beside me has.
“Kuya Josh and Bimby will always remain the greatest priorities of my life, but I can only give them my love and their much needed sense of security if I do everything I can to protect my health especially because we all know my ymmunity is compromised because of my autoimmune conditions.
“I avoided answering your questions in the past because I was still finalizing our plans.
“Ngayon sigurado na, nagsalita na because our relationship was lasted this long because alam n’yong lahat I have always done my best to be as honest as humanly possible with all of you, my followers na kino-consider ko ng bahaging isang napakalaking pamilyang nabuo natin dito sa IG & FB.
“I love you. God Bless You all,” sabi pa ni Kris.