Janine type makatambal sina Echo, Gerald at Carlo; Jed, 4th Impact, Gerphil hahataw sa ‘One Million Rally of Hope’

PERSONAL ang naging desisyon ng award-winning actress na si Janine Gutierrez na maging isang Kapamilya at isa sa dahilan niya ay ang patuloy na pagpapalabas ng ABS-CBN ng mga de-kalidad na programa para sa mga manonood sa loob at labas ng bansa.

Pagbabahagi ni Janine sa unang media conference niya bilang isang ABS-CBN talent, namamangha siyang nagagawa pa rin ito ng ABS-CBN sa kabila ng mga pinagdaanan ng network last year.

“ABS-CBN will always be ABS-CBN. Personally I’m amazed at how despite the situation, ABS-CBN comes up with so much quality content, at siyempre, ang mga Kapamilya hindi bumibitaw. Everything is also digital. The opportunities are limitless ngayon,” aniya.

“I really wanted to grab this opportunity and make new projects, be part of new stories, work with new people. Kahit ano pa man ang sitwasyon, masaya ako na nandito ako sa ABS-CBN,” dagdag ng dalaga.

Matapos ngang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ni Janine noong Enero, napanood na siya ng viewers sa longest-running musical variety show sa bansa na “ASAP Natin ‘To.”

Inanunsyo rin niya na gagawa siya ng isang teleserye at isang pelikula sa ilalim ng Star Cinema na dapat abangan ng viewers.

“I’m so happy to be here and to be given the opportunity to be a Kapamilya. Excited akong makilala lahat ng mga Kapamilya, pati mga Kapamilya abroad,” sabi ng aktres.

Bagama’t hindi pa maaaring ibahagi ni Janine ang detalye ng upcoming projects niya, ikinwento naman niyang gusto niyang makatrabaho ang ilang iniidolong artista sa ABS-CBN, gaya nina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Liza Soberano.

“So many women I look up to with so many good projects na it’s a mixture of ang ganda ng teleserye niya pero nakakagawa siya ng magandang pelikula. Ang ganda ng takbo ng mga career nila. Ang dami ko talagang iniidolo dito,” sey ni Janine.

Gusto rin niyang makatrabaho sina Paulo Avelino, Enchong Dee, Jericho Rosales, JC Santos, Carlo Aquino, at Gerald Anderson.

                         * * *

Saksihan ang pagbandera ng mga Filipino world-class talents sa gaganaping international on-line event na “One Million Rally of Hope Philippines”.

Mapapanood ito nang live sa Feb. 6, 2021, 3 to 5 p.m. (Manila Time) sa PTV-4.

“The event is a call for collective prayers for greater hope, peace and solidarity during these dire times.

“Organized and spearheaded by the Universal Peace Foundationan NGO holding general consultative status with the United Nations, Rally of Hope Philippines is special insofar as it will gather millions of Filipinos and citizens around the world online in an interfaith gathering to collectively pray for the healing of the world from the COVID-19 pandemic.

“And also to raise awareness for the healing of Mother Earth and address climate change issues and for the healing of humanity from divisions to bring about a world of lasting peace for the sake of the future generations,” ayon sa official statement ng organizers ng event.

Ilan sa mga hahataw sa programang ito ay sina Grand Champion Performer of the World Jed Madela, two-time winner of World Championship of Performing Arts 4th Impact, Asia’s Golden Girl Gerphil Flores, recipient of the Luciano Pavarotti Trophyfor winning the coveted title Choir of World 2011The Philippine Meistersingers, the first ever World of Dance Philippines Champion FCPC Baliktanaw Dancers and the phenomenal REO Brothers.

This year’s theme for the “Rally of Hope Philippines” is “One Million People Praying for the Healing of the Nation and the World.”

The public may register to attend the rally live at: www.rallyofhope-asia.org or in the event’s official FB page: www.facebook.com/rallyofhopeph.

Read more...