John Lloyd nag-alok ng tricycle booking app para sa mga taga-Laguna

MAY bagong project ang aktor na si John Lloyd Cruz kung saan ang makikinabang ay mga residente ng Cabuyao City sa Laguna.

Balitang magkakaroon na ng sariling tricycle booking application si Lloydie na tatawaging “Trike Now” na maaaring gamitin ng mga taga-Cabuyao sa paglabas-labas ng kanilang bahay.

Sa isang Facebook post, mismong si John Lloyd daw ang nagprisinta sa mga opisyal ng local government ng Cabuyao ng kanyang “Trike Now” project, sa pangunguna ni Mayor Rommel Gecolea.

Base sa pahayag ng City Information Office (CIO) ng Cabuyao, present din doon ang actor-politician na si Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez at ang mga opisyal ng tricycle operators and drivers’ association (TODA) ng Cabuyao para makita ang project proposal ni Lloydie.

“Dumalaw ang sikat na actor na si John Lyod Cruz kay Cabuyao City Mayor Aty. Rommel A. Gecolea upang ilatag ang kanyang bagong proyektong Tricycle Booking App na ‘Trike Now.’

“Kasamang dumalo sa presentasyon ni G. Cruz sina Cong. Dan Fernandez, G. Mike Aranzanso, at mga opisyal ng TODA ng Lungsod,” ayon sa Facebook page ng Cabuyao CIO.

Samantala, siguradong ngayon pa lang ay excited na ang fans ni John Lloyd sa muling paggawa niya ng pelikula, lalo na ang reunion movie nila ni Bea Alonzo.

Sa isang  panayam, kinumpirma ni Direk Olivia Lamasan, managing director ng ABS-CBN Films, na tuloy na tuloy na ang pelikula nina John Lloyd at Bea na may working title na  “No Goodbyes.”

 “It’s a collaboration with John Lloyd himself and Bea. So tuloy iyan,” ani Direk Olive.

Sinundan din ito ng pagkumpirma ni Bea, “I would be doing a project with him this year and I can’t wait to share with you guys what it is about. It will be a reunion project between me and John Lloyd and also direk Cathy (Garcia Molina) and Carmi Raymundo.”

Read more...