Sheryl, Sunshine nagkampihan sa isyu ng May-December affair: Kung nagmamahalan at walang inaapakan, go!

PARA kina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon, kailangan nang mabura sa kultura at isipan ng mga Filipino na isang “taboo” ang pakikipagrelasyon ng isang babae sa lalaking mas bata sa kanila.

Hanggang ngayon kasi ay marami pa rin ang kumokontra sa tinatawag na May-December love affair lalo na kapag di hamak na mas matanda ang babae kesa sa lalaki.

Marami nang ganitong kuwento sa mga teleserye at pelikula na talagang tinututukan ng mga manonood pero kapag sa tunay na buhay na ito nangyayari — ibang usapan na yan dahil malamang sa malamang huhusgahan ka pa rin ng mga kapwa mo.

Sa isang panayam, natanong ang lead stars ng Kapuso series na “Magkaagaw’ na sina Sunshine at Sheryl tungkol dito.

Sa kuwento kasi ng serye, naging kabit ng karakter ng young actor na si Jeric Gonzales si Sheryl.

Sey ni Sunshine, “In our society now, palalampasin kung lalaki, e. Pero kapag ‘yung babae na ‘yung gumagawa, ang laking issue palagi.

“Bakit nga ba? I think it’s a taboo that has been going on for the longest time and walang equality, e. Kapag lalaki okay lang pero kapag babae hindi.

“I think those are the taboos that we should be breaking now. Dapat equal ‘yan kasi babae o lalaki pareho lang naman ‘yan,” paliwanag ng aktres.

Sey naman ni Sheryl, “I actually agree with what Sunshine Dizon has said. At saka iba siguro ‘yung take nating mga Pilipino pagdating sa issue na ito, with regards to May-December affairs.

“I think it’s just part of our tradition of being Filipinos na masyado tayong conservative.

“But then, kailangan nating sumabay sa panahon especially sa naayon sa panahon ngayon.

“All over the world naman, it happens. It’s not an uncommon situation, and some people make it work. Kung nagmamahalan talaga sila, I don’t see anything wrong with that,” chika niya.

“I don’t want to make it a big deal with regards to any relationship as long as they don’t hurt anyone.

“Ibang usapan kung mayroon silang inaagawan. Pero kung nagkakasunduan sila at nagmamahalan sila, then age is just a number. Ganu’n lang ‘yon,” dagdag pa ni Sheryl.

Read more...