Basher ni VP Leni na-wow mali: Ako na po ang humihingi ng paumanhin kay Rachel Alejandro

TAKANG-TAKA si Vice President Leni Roberdo kung bakit ang daming netizens na nagta-tag at nagpapadala sa kanya ng litrato ng singer-actress na si Rachel Alejandro.

Nang i-check niya ang nasabing photo na naka-post sa Instagram account ni Rachel na kuha sa isang lugar sa El Nido, Palawan, naintindihan na ni VP Leni ang dahilan.

Kumalat sa social media ang litrato ng award-winning OPM singer na may caption na, “Nasaan ang bise presidente? Busy naman pala sa Palawan. Ugghh.”

Napagkamalan pala ng ilang netizens ang Pangalawang Pangulo na si Rachel dahil nga may malaking pagkakahawig sila sa nasabing litrato.

Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, ni-repost ni Robredo ang screenshot ng ipinost ng isang netizen at nagpaliwanag sa ilang bashers na ginamit nga ang litrato para magpakalat ng hate messages.

“Initially confused why a number of people are sending me this,” simulang pahayag ni VP Leni.

“Kalma lang po. Hindi ako yan. Andito po ako sa opisina, wala sa Palawan,” dugtong pa niya.

Hirit pa niya, “Ako na po humihingi ng paumanhin kay Rachel Alejandro.”

Kung matatandaan, nag-viral at naging trending topic sa Twitter ang #NasaanAngBisePresidente noong kasagsagan ng matinding pagbaha sa Mindanao nitong nagdaang Disyembre kasunod naman ng paggamit ng #NasaanAngPresidente hashtag ng mga anti-Duterte.

Read more...