Ba’t n’yo pa tinawag na P-Pop eh, photocopy lang naman ng K-Pop? — Janus del Prado

PARA sa magaling na character actor na si Janus del Prado “photocopy” lang daw ng K-Pop ang tinatawag ng mga Filipino ngayong P-Pop.

Kontra si Janus sa pagkukumpara o paghahalintulad ng Pinoy Pop sa Korean Pop, para sa kanya dapat daw ay may maipagmalaking sariling identity ang mga P-Pop group sa Pilipinas.

Aniya, identified na sa Korean culture ang K-pop na talaga namang humataw ngayon sa buong mundo. May sarili kasing datingan at istilo ang mga sikat na Korean group kaya patok na patok sila sa kanilang audience.

In fairness, marami-rami na ring P-Pop groups ang sikat na sikat ngayon hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

At marami nga ang nagkokomento na may ilan sa kanila ang gumagaya sa musika, sayaw at style ng mga kilalang K-pop stars.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Janus ng kanyang obserbasyon tungkol sa panggagaya raw ng mga Pinoy sa konsepto ng K-pop.

“Ba’t niyo pa tinawag na Ppop eh photo copy lang naman ng Kpop.

“Wala namang identity na sariling atin. Eh walang kabahid bahid ng pagka pinoy maliban sa in filipino yung lyrics,” pahayag ng aktor.

Aniya pa, “Kaya nga tinawag na Kpop kasi identified sa kanila yung ganyang style ng musika at ganyang itsura at pananamit. Haynaku. Balakayujan.”

Agad namang dumepensa si Janus at nagsabing hindi siya kontra sa K-Pop, sa katunayan gustung-gusto niya ang genre na ito at lalong wala raw siyang galit o issue sa mga P-Pop groups.

“Nothing against kpop. I love the genre for what it is. Nothing against the so called Ppop groups din. They are very talented.

“Pero wag natin i pasa na orig na genre ang Ppop. Plagiarism yan. Sana tinawag niyo na lang na Korean-Pinoy Pop o KPpop.

“Or pwede din naman PKpop. Ehankusenyu. Nakakabother lang. Just my two cents. #peaceandlove #goodvibesonly #kpop #ppop,” sey pa ng aktor.

Magkakaiba ang reaksyon ng ilang netizens sa hugot ni Janus tungkol sa Pinoy-Pop. May mga kumampi sa kanya at meron ding kumontra at nagsabing nagmamagaling daw ang aktor at wala namang alam sa larangan ng musika.

Ilan sa mga sikat na P-Pop group sa bansa ay ang SB19, MNL48, Bini, 1st.One, After5, at ang bagong launch lang na grupo na BGYO.

Read more...