Erich, Sofia puring-puri si Kathryn: Totoong tao siya sa showbiz, isang tunay na kaibigan…

ANG suwerte ni Sofia Andres dahil siya pala ang first girlfriend (and hopefully ang maging last) ni Daniel Miranda na tatay ng anak niyang si Zoe.

Base sa Wikipedia ay edad 23 ngayon si Daniel at apat na taon na ang relasyon nila ni Sofia. Ayon sa aktres ay nagkakilala sila ng tatay ng anak niya noong 17 years old siya at 19 naman ang kasintahan.

Si Sofia ang guest ni Erich Gonzales sa kanyang vlog na in-upload nitong Linggo ng gabi na may titulong “Heart to Heart with Sofia Andres.”

Inamin ng magandang mommy ni Zoe na mapili siya sa mga kaibigan at hindi siya masyadong nagtitiwala sa tao.

“I’m very picky. Kasi I’ve experienced a lot of things siyempre with other people from the past parang along the way na-realize ko na dapat may mga taong dapat mawala kasi sayang ‘yung energy, sayang ‘yung time, sayang ‘yung effort,” esplika ng aktres.

Sumang-ayon naman si Erich sa kanya, “Na-explain ko sa kanila (subscribers) na mayroon talagang energy vampire na sina-suck ‘yung energy mo.”

“Yeah, meron talaga. So, I choose who to be with now kasi parang mas okay ‘yun, eh. Parang nare-recharge ka hindi ka nauubos,” ani Sofia

Sabi naman ni Erich, “It’s always the quality of your friends, not the quantity, di ba? Kahit konti lang ‘yung circle mo basta’t trusted mo.  Good people will lift you up.  Siyempre nandito tayo sa industriya, mahirap talaga na basta-basta magtiwala.”

“Yeah, nagte-take advantage.  Siyempre ngayong mom na ako, parang iba na ‘yung alaga sa family and friends, so mas na-realize ko na dapat ganito pala ‘yung relastionship ng friends,” saad ng girlfriend ni Daniel.

At ang closest friend ni Sofia, “Yung nakakausap ko now, Kathryn Bernardo and si Jea (Janella Salvador) naka-work ko rin and ‘yung journey niya sa buong (pregnancy), kinukumusta ko siya but we never hang out. Ngayon, si Kathryn actually siya lang. Kasi nu’ng 14 years old ako, na-meet ko siya, iyon ‘yung first serye ko (Princess and I).”

Sinag-ayunan din ni Erich na isa si Kathryn sa mga totoong tao sa showbiz, sabi nila, a real gem bilang kaibigan.

Inamin din ni Sofia na aloof siya sa mga taong, “Pag alam ko na siguro ‘yung vibes nila, yung aura kaya hindi ko na sila masyadong ini-entertain.  Ganu’n ako, eh. Ganito talaga ako, kaya nagkaka-problem ako sa handler ko sa Star Magic at sinasabi, ‘bakit ganyan ka?’

“I have my own decision if I wanna talk to you then I’ll talk to you, well sabi nila kapag nasa industry na ito kailangan daw ma-PR like ‘hey what’s up’  but I’m really quite, I was like that.”

“Ah, kumbaga walang patumpik-tumpik straight to the point, paalam na, as long as wala kang natatapakang tao,” say din ni Erich.

“Yeah, what you see is what you get,” sambit pa ni Sofia.

Ikinuwento rin ni Erich na nakilala na niya ang mag-ama ni Sofia na sina Daniel at Zoe na gustung-gustong panggigilan ang pisngi ng bagets dahil super cute naman talaga.

Partygirl noon si Sofia noong wala siyang karelasyon at sa isang bar niya nakilala si Daniel, “Kelan ba ‘yun, 2015, na-meet ko siya sa The Fort (Taguig City).  Hindi ko ini-expect kasi I wasn’t looking for anything lovelife or whatever.  I’m 17 nu’ng na-meet ko siya although I’m young but I’m responsible and I’m working.

“May kumalabit sa akin cousin niya pala. Sabi ‘my cousin finds you pretty’ sabi ko, ‘ah okay.’  E, medyo tipsy na ako no’n so nagpa-picture siya. Hindi niya alam na artista ako kasi he doesn’t really watch here.  Tapos hinintay niya talaga ako hanggang 3 a.m. na umuwi. Tapos in-offer-an niya ako ng water.  I mean in a bar, water.

Hirit ni Erich, “Gentleman talaga.”

“Sabi ko, ‘uy iba ‘to water. Hindi alcohol.’ Not for anything kapag kinukuha ang number ko, what I do, pine-fake ko talaga. Sa kanya (Daniel) ko lang ibinigay ang real number ko and then tinext niya ako so, that’s how it started hanggang ‘yun na ‘yun,” masayang kuwento ni Sofia.

Sumunod na tanong ni Erich, “Nu’ng una mo siyang na-meet, meron na bang (spark) o wala talaga?”

“Na cute-an ako sa kanya kasi ang cute-cute niya talaga,” tumawag sabi ni Sofia.

“Cute naman talaga kaya tingnan mo ‘yung anak n’yo si Zoe,” dugtong din ni Erich.

“Ang cute niya pero parang napi-feel mo na inosente. Ha-hahaha!” tumawa uling sabi ng aktres.

Hirit naman ni Erich, “Kapag na-meet mo naman ang isang tao parang mapi-feel mo na ‘puwede naman ‘to’ me ganu’n di ba? At meron ding, ‘wala ‘to. I don’t wanna waste my time.”

“Yeah, na-feel ko rin ‘yung vibe niya and first girlfriend niya ako, so mapi-feel mo rin talaga na hindi siya marunong mag-move,” napangiting kuwento ni Sofia.

“Talaga ba?  Huy, paano ba ‘yung mga movement kasi (sabay tingin sa camera),” sambit ni Erich.
“Hindi siya sumasayaw sa party, hindi umiinom,” sabi pa.

“Opposite attracts each other?” tanong ni Erich.

“Siguro, well ‘yung mga ganyang bagay I’m done na with all that. Siya ‘yng adventurous ako naman I can stay at home all day kaya ako parang, nag-e-enjoy pala ako sa ganu’n.  And I’m very happy to be with him everytime na we’re out of town,” kuwento ni Sofia.

In-introduce na rin siya ni Daniel sa pagmo-motorbike na rati ay matatakutin siya pero ngayon ay na-appreciate na niya at marami siyang nadiskubre sa sarili na gusto pala niya ang mga bagay na ganu’n.

Sabi nga ni Erich, “Nagko-compliment kayo sa isa’t isa.”

“I’m thankful din na I found him kasi ‘yung mga past relationship ko parang (sumenyas ng wala lang),” say pa ni Sofia.

“You know what ‘yung mga best relationship na ganyan hindi talaga pinipilit parang bigla na lang, ‘uy surprise.’ ‘Yun ‘yung nagwo-work,” say ni Erich.

“Oo nga, ako dati kasi ‘yung pilit nang pilit na magwo-work ‘yung relationship pero hindi talaga, eh.  So ito (sa kanila ni Daniel) parang effortless parang (going) with the flow lang,” aniya pa.

Nakikita rin ba ng co-star ni Erich sa “La Vida Lena” na ikakasal sila ni Daniel pagdating ng araw.

“Oo naman. Napag-usapan namin ‘yan but we’re both young pa naman and we don’t want to rush pa.  Sabi ng iba bakit hindi pa kami magpakasal. Well, it’s unplanned (magkaroon ng anak) pero this time it’s better for us to plan things para hindi kami nawawala sa path na gusto namin.

“Hindi kami magpapakasal dahil may anak kami kundi kaya kami magpapakasal kasi mahal namin ang isa’t isa.  We don’t want to ruin the relationship, we want to last,” paliwanag ni Sofia.

Sa set ng “La Vida Lena” ginawa ang heart to heart talk nina Erich at Sofia habang naka-break sila.

Read more...