Buntis nang layasan | Bandera

Buntis nang layasan

Joseph Greenfield - August 29, 2013 - 02:26 PM

Sulat mula kay Mikaela ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Nagkakilala kami ng boyfriend ko sa pamamagitan ng text.  Di nagtagal ay nag-eyeball na kami.  Magandang ang unang eyeball, kaya nasundan pa ito ng mga pagkikita at date hanggang sa nabuntis ako. Ang tanga ko talaga dahil lahat ng sinabi niya ay pinaniwalaan ko.  Inakala ko ngang binata siya kaya handa niya akong pakasalan, hanggang na nadiskubre ko na may asawa siya at mga anak.  Simula nang mabuntis ako ay naglaho na siya na parang bula.  Marahil, hindi na rin siya makikita ng anak niya.  Pananagutan kaya niya ang baby ko o bibigyan niya kami ng sustento? Ano ang mangyayari sa buhay ko kapag naging dalagang ina ako?
Umaasa,
Cristina, ng Lugait, Misamis Oriental  
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.)  sa iyong palad. Isang magulo, na pangit at nabiyak  (arrow 1.) at isang maayos at magandang Marriage Line (arrow 2.). Ibig sabihin kung minalas ka sa unang pag-ibig, tiyak na sa ikalawang pakikipag-relasyon susuwertehin at papalarin ka na. Kaya ang masasabi ko lang sa iyo, darating din ang pusong magmamahal sa iyo nang lubos.
Cartomancy:
Okey lang na mawala ang mga walang kwentang lalaki sa buhay ng babae, dahil ayon sa mga barahang Jack of Diamonds, Queen of Diamonds at Eight of Hearts (Illustration 1.), ‘wag mo nang isiping babalik pa siya, dahil may bagong lalaking darating na mas higit pa sa kanya, mas may kaya sa buhay, tapat at panghabambuhay na.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending