Tanong ni Aiko kay Ogie: Naniniwala ka bang magdyowa na sina Gerald at Julia?

NANINIWALA si Ogie Diaz na magdyowa na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sa YouTube channel ni Aiko Melendez, may “Truth Or Dare” challenge na ginawa ang dalawa.  Natanong ni Aiko si Ogie kung naniniwala ito na ang boyfriend na tinutukoy ni Julia sa kanyang mga post ay si Gerald.

“Naniniwala ka bang sila ang magjowa?” tanong ni Aiko kay Ogie.

“Ako naniniwala. Truth. Sa akin lang ‘to, kasi pinili ko ‘yung truth so sasabihin ko yung totoo, ‘yung feeling ko. So feeling ko si Gerald at si Julia na kasi maraming mga patotoo,” say ni Ogie.

“So, feeling ko lang, sa mga naglalabasan katulad ng mga kamay na balbon, hindi pinapakita kasi sa mga shot. Tapos kamay ni Julia hindi pinapakita sa…I mean, pinapakita ‘yung kamay pero hindi ‘yung mukha.

“So, parang pinagtagpi-tagpi ‘yun ng mga netizen. So magkasama sila palagi. So feeling ko… pumunta na din ‘yung pamilya ni Julia Barretto du’n sa resort, sa Zambales, ni ano ni Gerald ‘di ba? So, naniniwala ako na sila na,” dagdag pa ni Ogie.

Actually, marami na talaga ang naniniwalang magdyowa na sina Julia at Gerald.

“PinaPatagal muna nila bago sila umamin para malimutan yong sulotan at ghosting ng jowa.”

“Tanga lng d maniwala.”

“Hahaha! Matagal na teh.”

“Noon pa kaya habang with Bea Alonzo pa! Echos!”

“Alam na ng mga netizens yan. Nung kay Bea pa. Dinedenay lang nila.”

‘Yan ang reactions ng netizens.

Any comment, Julia and Gerald?

Sa isang TikTok post, inamin ni Julia na “taken” na siya sa isang game, ang “This or That Challenge”.  Pinili ni Julia ang “taken” laban “single” sa nasabing game. Pinili din niya ang “older” over “younger” at “afam (foreigner) over “Pinoy”.

With that, naisip ng netizens na si Gerald nga ang kanyang tinutukoy dahil mas matanda ng ilang taon sa kanya si Gerald at may foreign blood ito.

* * *

Grabeng pamba-bash ang inabot ni Sanya Lopez sa kamay ng ilang fans ni Alden Richards.

Nabasa namin ang panglalait ng fans ni Alden kay Sanya. Apparertly, pinaniwalaan nila ang isang post sa YouTube wherein the host said na nabuntis ni Alden si Sanya.  With that, kaliwa’t kanang bira ang inabot ni Sanya sa Twitter.

“AND Boycott lahat ng projects ng GREAT USER @sanya_lopez lalo na ang FIRST YAYA Ginagamit niya si @aldenrichards02  sa akala nya ikaaangat nya,” say ni Mila Cambal AlDubN.

“Yes, boycott grabe sinasabi niya USER na USER,” sagot naman ni f.Tangco AND/MCN.

“Grabe po sobrang dumi na ang showbiz para lang sa ts nya masira lang nya isa alden Richard sasabihin nya buntis sya ang ama si alden igag din,” say ni maichardreal.

“Nung time na nasa walang tulugan yan parang basing sisiw ngayon abay kala mo singlaki na ng Aguila  kung makalipad umayos ka ghorls ayun sa nararapat,” mataray na sabi ni  NatSam.

Ipinagtanggol naman si Sanya ni SanDenFan who said, “Lola maka user, nagpapaniwala kayo sa mga sinungaling na youtuber dinamay nyo pa si ate sanya na walang malay sa hanash nyo.  Inyong inyo ang maichard. Di niya kailangan sa buhay nya.  Wag nyo kasing patulan yang mga sinungaling sa youtube.”

“Sus nagpapaniwala po kayo sa clickbait ng mga sinungaling na youtubers pagkatapos  nahahighblood kayo kat ate sanyang walang kamalay malay sa hanash nyo. Wag nyong panoorin para di kumite o kaya block & report  for false information.  Wag pong ganyan di maganda yang ginagawa nyo sa kapwa,” dagdag pa ni SanDenFan.

Read more...