ANO nga kaya ang tunay na dahilan ng pag-absent ni Sarah Geronimo sa mga nakaraang episode ng “ASAP Natin ‘To” ng ABS-CBN?
Miss na miss na ng mga Kapamilya viewers, lalo na ng milyun-milyong Popsters ang singer-actress sa live production ng Sunday noontime musicale ng ABS-CBN.
Sa katunayan, marami ang naghintay kay Sarah sa unang pagpapalabas ng “ASAP” sa TV5 na itinuturing na isang historical TV event dahil sa pagsasanib-pwersa nga ng Kapamilya at Kapatid network, pero hindi siya napanood.
Kaya sa nakaraang virtual presscon ng digital Valentine concert ni Regine Velasquez na “Freedom” ay natanong ang Asia’s Songbird tungkol dito.
Sey ni Regine, siguradong may “good reason” ang Popstar Royalty sa kanyang pag-absent sa show.
“I haven’t been seeing her. I miss her a lot. She hasn’t been doing ASAP. I’m sure may maganda naman siyang reason for not doing ASAP.
“But a lot of people are missing her. Ang kaniyang mga Popsters miss her very, very much,” sey ni Regine.
Aniya pa, “Sigurado naman akong miss din niya kami. I’m sure nami-miss din niyang mag-perform. I’m sure nami-miss din niya ang kaniyan Popsters. Let’s all pray that she’ll be able to do ASAP again.”
Ayon pa sa nag-iisang Songbird, “I would always talk to her and encourage her and give her advice, but I don’t impose. I only give my advice when she asks for it.
“I do have a good relationship with her. We text. Minsan, out of the blue, kahit noong wala pang pandemic, bigla na lang ‘yang mag-te-text sa akin. ‘Miss Reg, puwede ba kitang dalawin? Puwede ba tayong mag-usap?’ Ganiyan siya sa akin. Ako naman, ‘Sige, go, tara mag-usap tayo,’” chika pa niya.
Ang huling pag-uusap daw nila ay noong mag-text ang asawa ni Matteo Guidicelli para magpasalamat sa ipinadala nilang regalo ng mister niyang si Ogie Alcasid.
Nang hingan ng advice para kay Sarah hinggil sa usapin ng married life, sey ni Regine, “Mahirap magbigay ng advice ‘pag magulang, because it’s different for everyone. It’s really different for everyone.
“My wonderful experience with my children, baka hindi siya maka-relate, kasi meron din akong stepdaughters. Iba ‘yung experience ko,” paliwanag ng Songbird.
“If ever, God willing, they’ll be given a baby, my advice is, just for them to enjoy it, every minute of it.
“Try mong namnamin (pag-aalaga sa anak). Because they grow up so fast. Before you know it, ang laking tao na. Nakakatawa kasi ang bilis-bilis lang talaga ng panahon. You wake up and they’re all grown up.
“Enjoy lang. Like I said, being a parent is different for everyone. Wala namang manual, e. You grow with your children, you learn with them and from them, and hopefully they learn from us, too,” dagdag na payo pa ni Regine kay Sarah.