Ian ayaw patulan ang kabastusan sa socmed; Sue kinampihan ng mga lumalaban kontra pang-aabuso

MARAMING netizens kumampi sa actor-singer na si Ian Veneracion nang mag-post siya ng cryptic message sa kanyang Instagram account.

Ito’y matapos ngang kumalat ang malisyosong chika na nag-uugnay sa kanila ng Kapamilya youngstar na si Sue Ramirez.

Magkasama ang dalawa sa isang programa sa TV5 kung saan gumaganap ngang tatay ni Sue si Ian pero may mga naglalagay ng kulay sa kanilang professional relationship.

Sa kanyang IG account, nag-post nga ang aktor ng isang mensahe na kahit walang binabanggit na detalye ay pinaniniwalaang depensa niya sa mga nagpapakalat ng tsismis na nag-uugnay sa kanila ni Sue.

“I don’t want to normalize people exploiting our personal lives for their entertainment,” ang bahagi ng pahayag ni Ian.

Dugtong pa niya, “I don’t need to defend myself from the lies of perverts. Once upon a time I was pissed.” Nilagyan din niya ito ng hashtag #HappilyMarried.

In fairness, maraming netizens at l IG users ang nagtanggol kay Ian hinggil sa issue. Hindi sila naniniwala na may something sa pagitan nila ni Sue na super happy din sa boyfriend niyang aktor na si Javi Benitez.

Si Ian naman ay 23 years nang kasal sa kanyang asawang si Pam Gallardo at biniyayaan nga ng tatlong anak — sina Draco, Deidre at Duccio.

Nauna rito, ipinagtanggol din ni Javi Benitez si Sue sa malisyosong issue na nagsimula lamang sa isang “blind item”, “Hindi siya ganyang babae. Mali hula niyo kaya itigil niyo na yan.”

Hindi lamang ito ang kontrobersyang kinasangkutan ni Sue ngayong linggo, kamakailan ay galit na galit ang aktres dahil sa gumawa at nagpakalat ng pekeng nude photo nila ni Maris Racal.

“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sa inyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.

“THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung saan nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me ge to the bottom of this.

“HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO,” mahabang pahayag ng aktres.

Maraming nagtanggol sa dalaga hindi lang mga taga-showbiz kundi maging ang kababaihang nakikipaglaban kontra pambabastos at pang-aabuso.

Read more...