Regine tumanggi sa alok ni Coco sa Probinsyano; binansagang bagong ‘OPM Queen’

NANGHINAYANG ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa offer ni Coco Martin para mag-guest sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Kuwento ni Regine, mismong si Coco raw ang nakipag-usap sa kanya para umapir sa primetime action-drama series ng ABS-CBN ngunit kinailangan daw niya muna itong tanggihan.

“Yes, may offer dati sa ‘Probinsyano’. Nakakatuwa nga si Coco kasi may dala na talaga siyang storyline para sa akin. At ang ganda ng kuwento na ginawa nila.

“That was last year or two years ago pa, e, ang daming ganap that time, meron kami ni Vice Ganda (concert), then nagkaroon din ng concert with Sarah (Geronimo) and Ate Sharon (Cuneta). So, wala talagang schedule.

“Sayang nga, e, but who knows baka pwede pa rin naman dahil hindi pa rin natatapos ang Probinsyano, di ba?” sey pa ni Regine nang muli siyang humarap sa entertainment media sa naganap na virtual mediacon para sa kanyang digital Valentine concert na “Freedom.”

Samantala, sa mahigit 30 years niya sa showbiz, natanong ang Songbird kung ano ang reaksyon niya sa titulong ibinigay sa kanya ng mga Reginians bilang bagong “Queen of OPM” bukod nga sa pagiging reyna ng mga biritera.

“I don’t know how it is to be a queen. Although my name means ‘queen,’ I am definitely not a queen,” tugon ng misis ni Ogie Alcasid.

Birong chika pa ni Ate Regs, “Last time I checked, hindi naman si Prince Charles ang tatay ko, si Mang Gerry. Tsinek ko naman ‘yung blood ko, hindi naman blue.”

Dugtong pa niya, “But you know, I’m very flattered and grateful for the title that I’m given, but like I said, I am not at all a queen.

“I am far away from being a queen, but I do work hard. I am very, very passionate (sa career ko),” aniya pa.

Para sa lahat ng fans ni Regine, wala na siyang kailangang patunayan sa kahit kanino. Sa mahigit tatlong dekada niya sa entertainment industry, narating na niya ang rurok ng tagumpay.

“Right now, hindi na nagma-matter sa akin ‘yung, ‘Sikat ka pa ba?’ Ang mas importante sa akin ‘yung nakaka inspire ka ng mga baguhang singers.

“They can relate to my story. Being able to inspire them, and to have it in their mindset na, ‘If Regine can do it, so can I’, that’s the most important to me,” mensahe pa ng Songbird.

Mapapanood na sa Feb. 14 ang “Freedom” sa pamamagitan ng KTX.ph at sinisiguro ni Ate Regs na mag-eenjoy ang lahat ng bumili ng tickets sa mga inihanda niyang pasabog.

Read more...