Toni tunay na kapatid na ang turing kina Mariel at Bianca: Totoong-totoo sila | Bandera

Toni tunay na kapatid na ang turing kina Mariel at Bianca: Totoong-totoo sila

Ervin Santiago |January 27,2021
facebook
share this

Toni tunay na kapatid na ang turing kina Mariel at Bianca: Totoong-totoo sila

Ervin Santiago - January 27, 2021 - 09:28 AM

PARANG tunay na magkakapatid na ang turingan sa isa’t isa ng magkakaibigang Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez at Mariel Rodriguez.

Nagsimula ang bonggang friendship ng tatlong celebrity mom nang magkasama-sama sila bilang host ng “Pinoy Big Brother” ilang taon na ang nakararaan at in fairness, hanggang ngayon ay napanatili pa rin nila ang kanilang magandang samahan.

Muling humarap sa madlang pipol ang tatlong mommy na nakilala nga bilang Kuya’y Angels sa “PBB” sa pamamagitan ng isang special episode ng Kapamilya talkshow na “I Feel U”.

Dito nga sinabi ni Toni na tunay na sisters na ang tingin niya sa dalawang kasamahan, “When I was in my 20s, I have to admit this, I thought I had a lot of friends in the industry.

“And then eventually as you grow older, you realize they were just your co-workers, merely colleagues. As you evolve through life, you really realize, these are really my friends,’” pahayag ng butihing misis ni Paul Soriano.

Sey naman ni Mariel, “Tumatayo ‘yung balahibo ko because I agree 100%. For me, kayo ‘yun. Para sa akin, kayo ‘yun. ‘Yung sasabihin kong kaibigan ko and puwede kong gawing ninang ng mga anak ko, ganu’ng level.

“I know that the friendship went beyond the work. ‘Yung hindi siya dahil nagkasama tayo sa isang trabaho tapos nagtawanan tayo, nag-share tayo ng konting kuwento. Alam ko na mas malalim ‘yung friendship,” dagdag ng misis ni Robin Padilla.

Nagbigay din ng ilang dahilan si Bianca kung bakit tumagal ang kanilang pagkakaibigan, “I think malaking bagay talaga ‘yung daily work together for how many years. Pero siguro ‘yung parang nagpa-crossover from just workmates to sisters, one is siyempre ‘yung mga life milestones natin.

“Halos sabay-sabay in different years lang. Dati mga heartbreak, mga iniwan, mga nasawi tapos nakahanap ng bagong pag-ibig, nakahanap ng ‘the one,’ kinasal, nagkaanak, magkakasunod ‘yun, eh.

“Aside from that, I think ‘yung isang sobra kong na-appreciate is sa ating tatlo, feeling ko talaga safe space. Anything I share or you share, we will not judge each other,” paliwanag pa ng asawa ni JC Intal.

Inilarawan din ni Bianca ang pagkakaibigan nila nina Toni at Mariel, “It’s a layered, storied situation. Given that, with the three of us, we don’t feel the need to have to explain ourselves to other people kasi ang hirap din to explain to someone na medyo sarado na ‘yung impression tungkol sa isang tao.

“I guess na we just rather na ‘yung character natin as a person all these years would speak for itself rather than a one headline, one thing na ginawa, one picture na lumabas. And we check up on each other kapag may something,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kung may isa pang mahalagang bagay na nagbubuklod sa kanilang tatlo, yan ay walang iba kundi ang pagiging asawa at mommy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending