Barbie ‘napraning’ sa pagso-sorry ni Jak: Napipikon na ‘ko, bakit nga? Paulit-ulit na tayo…

NABIKTIMA na naman ng Kapuso hunk na si Jak Roberto sa una nitong prank video sa YouTube ang girlfriend na si Barbie Forteza.

Ito ang unang vlog ng Kapuso couple para sa 2021 at nangyari ito habang nagsu-shoot sila para sa bago nilang content kung saan ipakikita nila sa kanilang fans at subscribers kung paano nila ginagawa ang kanilang TikTok dance videos.

Nang umalis sandali ang Kapuso Drama Princess para mag-makeup, dito na sinabi ni Jak na ipa-prank niya uli ang dyowa. Ang drama, paulit-ulit siyang magso-sorry sa dalaga nang walang dahilan at kailangan daw maka-100 siyang sorry kay Barbie para maging successful ang prank.

“Akala niya simpleng vlog lang ‘to. Since ito nga ‘yung unang vlog nitong 2021, gusto kong lagyan ng twist,” pahayag ni Jak.

“Itong TikTok na gagawin naming dance cover, para mas maging interesting, parang gawin nating social experiment. Kapag nag-sorry ka ng 100 times, ano kayang magiging reaction ng girlfriend mo?

“Kasi alam naman natin ‘yung mga babae ‘di ba kapag nagso-sorry ka, hindi lang basta nakapag-sorry ka eh. Tatanungin nila ba’t ka nagso-sorry. Anong pinagso-sorry mo,” chika pa ng binata.

Nang mag-shoot na nga ang dalawa para sa una nilang TikTok dance video, maririnig na si Jak na paulit-ulit nang nagso-sorry kay Barbie. Sumunod dito ang eksenang nasa loob na sila uli ng bahay para i-upload ang nagawa nilang video.

Nagkaasaran pa nga sila sa paglalagay ng caption sa kanilang post. Sey ni Jak, “Kapag babae gano’n ‘no? Kailangan ang daming sinasabi sa caption.

“Samantalang, ‘Tiktok with Madam’ (lang ang caption mo),” hirit naman ni Barbie. “Saan ‘yung sincerity doon? ‘Tiktok with Madam this 2021’ tapos emoji,” dagdag pa niya.

“Hindi naman nasasabi ‘yun sa caption. Ang mahalaga sincere ako sayo sa personal,” sey ni Jak.

Habang nagkukulitan, sorry pa rin nang sorry ang aktor at sa ika-58 ngang paghingi nito ng tawad, nagtanong na si Barbie kung bakit, “Na-delete mo ‘yung TikTok no?”

“Ang weird no? Nagso-sorry siya pero nakangiti,” nagtataka pang sey ng dalaga.

Hanggang sa mag-dialogue na nga si Barbie ng, “Napipikon na ‘ko kasi bakit nga? Paulit-ulit na tayo.”
Dito na umamin si Jak, “Kasi hindi ko alam kung naka-100 sorry na ako! Challenge ‘yun.”

Inamin naman ni Barbie na may naaamoy na siyang “something” sa ginagawa ng dyowa, “Generally hindi naman kasi siya ‘yung type ng guy na gumagawa ng something sketchy ganyan para mag-sorry siya.

“And pangalawa kapag nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan, mangangatwiran muna siya bago siya mag-sorry,” paliwanag pa ni Barbie.

Read more...