Tony, JC bagay maging magdyowa; game mag-date sa Valentine’s day

DAHIL sa success ng series noong 2020 na “Hello Stranger” nina Tony Labrusca at JC Alcantara ay ginawa na itong pelikula, mula sa ABS-CBN Films at Black Sheep na idinirek ni Dwein Baltazar.

Napanood na namin ang trailer nito at bagay talagang maging magdyowa sina JC at Tony at kung sakaling pareho silang gay, ipu-push ko silang dalawa.

Napakanatural kasi nila sa mga eksena lalo na nu’ng gustong halikan ni Tony si JC kung saan  pasimple namang umiwas ang huli.

Sa totoong buhay inamin ni JC na siya ang mas aggressive, “Ako baby boy pero mas aggressive ako. Kung baga mas gusto ko ‘yung ako ang…(mauuna),” hindi natapos ng aktor ang sasabihin dahil tawa na nang tawa. “Pero minsan kaya ko namang maging baby.”

Sabi naman ni Tony, “Siguro depende sa mood ko but kung naiinip na ako, e, di ako na ‘yung magiging aggressive. Pero mahilig akong mag-kiss, ganu’n. Kung hindi naman ako gusto ng tao, hindi naman ako magiging aggressive.”

At dahil ipalalabas ang pelikula bago mag-Valentine’s day at parehong walang girlfriend ay natanong sina JC at Tony kung puwedeng sila na lang ang magka-date.

Nagtawanan ang dalawang bida, sabi ni Tony, “Oh my! The past four years kasi wala akong nagiging date sa Valentine, so I always hold a Valentine dinner for the most special women in my life (mama at kapatid niya). Kung wala kang date JC invite kita.”

Sagot naman ni JC, “Ngayon lang ako walang ka-date pero sige sasama ako sa ‘yo do’n.”

Sa paboritong restaurant ni Tony na matatagpuan sa Maynila niya gustong dalhin si JC na ayon sa kanya ay sinabi na niya ito. Ibig sabihin bago ang mediacon ay nag-usap na ang dalawa tungkol sa Valentine’s date?

Samantala, sa series pala ay hindi close sina JC at Tony kaya natanong sila sa zoom mediacon kung paano nagsimula ang closeness nila.

“Hindi talaga kami close before from sa series na Hello Stranger. And noong nag-meet kami sa Hello Stranger: The Movie parang kami ‘yung unang magkasama. Kumbaga, first scene namin agad kami ang isinalang,” kuwento ni JC.

“Well feeling ko naturally, lumevel up na talaga siya, kasi iba naman ‘yung experience ng Hello Stranger: The Movie like sa series kasi, kahit paano mararamdaman pa rin natin ‘yung parang bitin kasi, hindi nga talaga nagkikita sina Xavier and Mico.

“Pero sa movie kasi, literal na physical interaction ang makikita ng audience natin. So ‘yun pa lang sobrang level-up na. Na makikita mo sila in a same room, doing activities together.

“‘Yung barkada, nandiyan din. So I’m just so happy, kasi it’s a completely different experience from all our fans and supporters. And I’m so happy kasi mabibigyan ng chance ‘yug story na cruest cinematic experience naman,” kuwento ni Tony.

Anyway, may early bird price ang “Hello Strangers” simula noong Enero 20 hanggang Peb. 11 sa halagang P150 at sa Peb. 12 onwards ay mabibili na ang ticket sa halagang P200 at mapapanood worldwide sa KTX.ph, iWamt TFC and TFC IPTV, Sky Cable pay-per-view at Cignal pay-per-view. Distributed by Cinexpress

May digital premiere night ang pelikula sa Peb. 11 sa KTX.ph sa halagang P200 per ticket.

Read more...