True ba, producer ng natsuging Sunday noontime show sa TV5 nalugi ng P600-M?

“MAY karapatan naman talaga si Mr. Albee Benitez na ipasara ang SNL (Sunday Noontime Live) dahil pera niya ‘yun, lugi siya.

“Kaya bago pa lumobo nang husto, isara na lang, negosyo ‘yan, e.  Ganu’n ang negosyante, pag lugi, hinto na, aalang sabi-sabi,” Yan ang magkasunod na sabi ng aming kausap na ayaw ipabanggit ang pangalan na may kinalaman sa production.

Katwiran namin, oo naman, ang kaso sana kinausap ang mga tao ng “SNL” na tsugi na ang show para hindi naiwan sa ere ang lahat. Ito ang punto ng head at direktor ng “Sunday Noontime Live” kung saan naging host nga sina Piolo Pascual, Maja Salvador at Catriona Gray.

“Sa showbiz lang may compassion, Reggs, kasi matagal na magkakasama kaya kinakausap ang mga tao kung ano ang desisyon.  Iba kasi pag hindi ka taga-showbiz.  But I heard namigay naman daw ng bonus, so okay na ‘yun,” paliwanag sa amin.

Nasasabit ang pangalan ng dating PR head ng Star Magic na nakatrabaho ni Mr. Johnny Manahan o Mr. M na si Pat P. Daza dahil siya ang taong iniupo ni Mr. Benitez para mamahala ng Brightlight Productions sa mga programa nila sa TV5, kabilang na ang “SNL.”

Base ito sa post ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account. Aniya, “Ang hirap siguro ng dalawang beses, eh, magkaruon problema iyon work place mo. I can just imagine iyon feeling of anxiety ni Pat P na nuon ang problema iyon franchise ng ABS CBN at kung saan papasok pag nagsara ang network.

“Bigla naman naging very lucky siya na that moment, nagbukas ng production si papa Albee Benitez, so safely nagkaruon siya ng bagong high paying job as lady of Brightlight.

“Now, medyo shaky na naman dahil nga sa aside from nalulugi nga ang kumpanya, heto at feeling betrayed and cheated pa si Papa Albee Benitez. Siyempre may anxiety fears na naman na baka iwanan na ni Papa Albee ang tv/movie production, eh saan nga naman pupunta uli si Pat P.

“Ang hirap talaga ng ganyang sitwasyon, kasi nga wala iyon stability of tenure na gusto mo. Mabuti kung gaya nati pa easy easy lang, walang responsibility na malaki.

“Ang laki kasi ng nasa balikat ni Pat P, iyon hindi niya alam kung tatawaran niya iyon TF, o go lang dahil kaya naman bayaran . Sino bibigyan niya protection, iyon mga dati niya kasamahan sa network o itong bago niya trabaho sa Brightlight ?

“Kaya dahil nga hindi naging maliwanag ang parameter kung saan dapat, hayan ang laki ng cost of production, pati iyon operational sa office siyempre included iyon sa costing kaya ang laki ng kinain sa puhunan, hindi nakaya.

“Imagine, losing company na, may half month salary bonus pa, di ba parang abuso na. Imagine mo, ang host mo meron advance payment na hiningi bigay agad, ewan ko kung bakit pero marami nga loopholes kasi na na-discover na siyang dahilan ngayon ng shaky position ng Brightlight.

“Inasahan kasi ni Papa Albee na si Pat P ang magiging guide niya sa mga tamang transactions o decision, ewan natin kung ano nangyari. Hay naku, basta, wait and see na lang tayo.”

May nag-comment namang netizen nang mabasa ang post na ito ng kilalang talent manager

Mula kay @cindy_arguelles, “Brightlight pa rin ang may-ari ng airtime slated for the 3 cancelled shows kasi sabi ng TV5, airing vehicle lang sila until their contract with Brightlight expires. Brightlight ang umangkat sa ABS-CBN ng ASAP at FPJ movie for a certain amount. Since Pat P is the business manager of Brightlight, I assume siya ang bridge to get these shows. Kaya ipit si Pat P between Mr. M and Benitez kasi panay ang kuda ni Mr. M.”

Going back sa taong may kinalaman sa production ay masyadong malaki ang P600 million na nalugi ni Mr. Benitez dahil kung susumahin mo ay hindi naman aabot ito sa tatlong buwang episodes ng “Sunday Noontime Live.”

Kung ilalagay sa P8 million per episode na hindi kasama ang equipment pero kasama ang mga talent fee ng mga piniratang artists ay okay na ang nasabing presyo pero hindi pa rin daw aabot sa P600M sa loob ng tatlong buwan.

At trulili kaya na nakadagdag sa malaking gastos ng Brightlight ang ipinagawa nilang directorial booth ni Mr. M sa loob ng bahay nito kasi hindi siya puwedeng pumunta sa studio bilang senior citizen na at nag-iingat sa pandemya.

Seryoso nga? E, ngayong hindi maganda ang paghihiwalay nina Mr. M at Mr. Benitez, ano na ang mangyayari sa ipinagawang directorial booth, babawiin ba ito ng Brightlight?

 

Read more...