SA latest video ni Kris Aquino sa Instagram kasama ang bunsong si Bimby ay pinagbukas niya ng sariling Shopee pay account ang binatilyo.
Ayon sa TV host-actress, sa murang edad ay masasabi nang responsible buyer ang anak at medyo kuripot na hindi namana sa ina na tila galit sa pera.
At dahil sa laging namimili ay inaming Platinum member na siya dahil lumalagpas palagi siya sa budget kaya gumagamit na siya ng credit card.
Anyway, ang nakapukaw pansin sa amin ay ang caption ng video na binanggit ang dalawang ate niya (hindi binanggit ang pangalan) na magiging producer daw niya sa online show dahil hindi na tuloy ‘yung gagawin sana niya sa isang network.
Ang kuwento ni Kris, “When we were shooting this yesterday, I already knew the bad news – 1 month na negotiations namin to bring me back to free TV on a daily talk show hindi naging okay ang ending kasi nag backout na ‘yung kabilang side.
“BUT this was work for @shopee_ph so tinuloy ko and unless umamin ako sa post na ‘to, you wouldn’t have known may bigat pala sa puso ko.
“You know why? because I know what really matters, and that is FAMILY. 2 of my sisters had shown me how much they loved me by volunteering to invest in what would have been my comeback.
“If you’ve been following entertainment news, you’d know malaki ang risk to produce now in the midst of a pandemic & a slowdown in the economy. BUT regardless of the financial risk, my sisters believed enough in me to support & trust my vision.
“Tinalikuran man ako ng isang kumpanya, hindi nayanig ang mundo ko dahil sigurado ang buong pagkatao ko na may pamilya akong nagmamahal at may tiwala sa ‘kin.
“Sa video namin, you’ll see that I opened Bimb a ShopeePay account. My siblings & I know the value of FAMILY because of our Mom. She taught us many things, pero sa ‘kin siguro nangibabaw talaga ang GENEROSITY.
“To honor my mom, I’ll sponsor opening 8 #ShopeePay accounts w/ P5K each for my followers on IG and 8 on FB. Kwentuhan n’yo lang ako what #FAMILY means to you.
“I’ll announce the winners LIVE on Monday night, January 25,” mahabang pahayag ni Kris.
Kung tama ang sapantaha namin ay ito sana ‘yung talk show na matagal na niyang inaasam na hawig sa programang “Kris TV” na anything under the sun ay pwedeng pag-usapan at may weekly guest co-host siya.
Naniniwala kami na darating din ang tamang panahon sa pagbababalik ni Kris sa TV dahil sa kanyang talent.