Rhap at non-showbiz boyfriend, nakikain lang ng wedding cake

 

Follow-up ito sa nasulat namin dito sa Bandera kahapon na nagtatanong kami kung ‘ikinasal’ na sina Rhap Salazar sa non-showbiz boyfriend niya dahil wala namang ipinakitang wedding ceremony kundi hatian lang ng cake na may caption na, “Cheers to more sweet memories with you.”

Binasa namin ang lahat ng komento at iisa ang sinasabi, ‘congratulations at best wishers.’

‘Yun pala hindi ikinasal sina Rhap at boyfriend niya kundi ang kapatid na babae ng singer ang ikinasal base sa pinost na larawan ng bagong kasal.

Ang caption ni Rhap, “KALMA PO TAYO! Hindi po ako ang kinasal. It was my sister Emaida who got married yesterday. Dadating din po tayo sa tamang panahon na yan. Hehe. I appreciate all the love and support.”

At dito na namin nalaman ang pangalan ng boyfriend ni Rhap dahil nag-react din siya sa nasulat.

Ayon kay @laroyaerwin, “NAKIKAIN LANG NAMAN TAYO NG CAKE NA DYARYO PA. itchaprank.”

Sagot naman ni Rhap, “Wag na nga tayo magpicture sa cake next time!”

Hindi naman isyu ang pagpapa-picture sa cake kundi ang caption na nilagay, “Cheers to more sweet memories with you.”  Tapos lahat ng mga kaibigan ay binati ng congratulations at best wishes si Rhap at ang boyfriend niyang si Erwin Agoncillo Laroya.

Ang boyfriend ni Rhap ay dating OFW at sa hotel nagtrabaho. Ngayon ay nagtayo na ito ng negosyong Laroya’s freshly baked cakes at abala siya sa kanyang vlog, cheeks TV at Lyka kung saan malaki ang kinikita dahil base sa kanyang FB page ay nakakapag-shopping siya gamit ang nakukulektang cash sa nasabing apps.

Anyway, pinost din ni Erwin ang Bandera sa FB, ‘SA PINAS KUMAIN KA LANG NG CAKE NATIONAL ISSUE NA AGAD. #ItchaPrank.”

Sabay post ni Erwin ng, “articles everywhere, payment please.”

May ganu’n?

Sana lang kapag totoong ikinasal na sina Rhap at Erwin ay may maniwala pa at hindi iisiping ‘itchaprank.’

Read more...